BH(16)

1.2K 100 143
                                    


Hindi mapakali ang tuhod ko habang hinihintay kong mag-ring na ang bell na hudyat ng dismissal. Kagat labi kong sinipat ang papel na sa harapan ko, may pahabol kasing check up quiz ang teacher namin sa science bago ang dismissal. Jusko po!

And to tell you, from 1-15. Tatlo o apat lang ang nasagutan ko. Hindi kasi ako nakinig kasi yung utak ko napupunta kay hansol babes. Ito yung kinakatakutan eh! Yung imbes na inspiration panandaliang naging distraction si hansol babes!

( ㅠㅅㅠ )

"Class pass your papers, finished or unfinished"

Umangat ang ulo ko at naluluhang tinignan ang teacher namin. Ma'am! Omg wait!

Kagat labi kong sinugutan ang mga blankong numbers ng kung ano-ano. Sana lang talaga may maitama ako kasi miski sa tatlong numbers na una kong sinagutan ay hindi ako sure!

Hansol babes, bad ka bad! Dinistract mo ako!

Pero kasalanan ko rin naman kasi nagpa-distract ako sa kaniya. Hmp!

"Seungkwan?"

Umangat ang ulo ko at nag-meet ang mga mata namin ng science teacher, na nasa harapan ko na pala hindi ko man lang namalaya. Hindi strict si ma'am pero kapag pasahan dapat ay pasahan talaga. I gulped and handed her my paper. She's stared at me intently before she walked back in front, napadukdok nalang ako ng ulo ko sa desk at hinintay na i-dismiss kami ni miss.


Pustahan tayo, hindi ako naka score, hindi ako nakaabot sa qouta score, at syempre lalong hindi ako makakaperfect.

Di bale, babawi ako sa susunod
( ㅠㅅㅠ )

"Let's meet again tomorrow, class dismissed" sabi ni ma'am.

Tumayo kaming lahat at nagpasalamat sa kaniya. Nakanguso kong inayos ang mga gamit ko, upset with myself, I can't be upset with hansol babes. Huhu!

Isinilid ko sa backpack ko yung textbook ko, yung pencil case ko, tsaka yung chips na nakatago sa ilalim ng desk ko. Nasa pinaka likod ako nakaupo para hindi halatang kumakain ako, one of the advantage kapag sa likod ka. Hehe.

Kung yung ibang tao ay sa likod umuupo para magmukhang loner or mag-senti, ako sa likod para makakain at makatulog ng maayos. Hehehehe.

Ikinabit ko na yung mga strap ng backpack ko sa magkabilaang balikat ko at lumabas sa room.

Alam niyo yung feeling na down na down ka kapag nasa loob ka ng classroom pero paglabas mo ay bigla ka nalang sasaya. I kennat omg! Sabay nga pala kami ni hansol babes ngayon!


Palukso-lukso akong naglakad papunta sa classroom ni hansol babes, nang bigla kong narinig si seokmin na nasa likuran ko pala. Omg, sabay rin pala kami sa pag-uwi.

Binalikan ko si besty. "Bes bes, sabay kami ni crush uuwi"sabi ko sa kaniya habang nagsasayaw sa tuwa ang eyebrows ko.

Kumunot ang kaniyang noo. "Baka naman nananaginip ka naman ng gising Boo Seungkwan? Impossibleng ayain ka ni hansol. Bruh" sabi niya at nagsimulang maglakad.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon