BH (103)

771 74 18
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~~•~

Isang linggo ang lumipas matapos na magkausap nina Hansol at Seungkwan. Matapos ang kanilang pagkikita ay hindi na nasundan pa. Naliwanagan na si Seungkwan.

Yun lang ang kailangan niya para makausad.

Ang kailangan niya para makagawa siya ng susunod niyang hakbang.

"Seryoso ka bes?" tanong ni seokmin sa kaniya habang nagsusulat ito sa kaniyang kwaderno.

Nasa canteen silang dalawa, breaktime. Tinatamad silang maglakbay papunta sa usual niyang tambayan sa rooftop ng science building.

"Hahabulin mo ulit siya?"

Kaswal na tumango si seungkwan at kinagatan ang kaniyang sandwich. "Hindi pa naman huli ang lahat" sabi ni Seungkwan sa kaniya.

Seokmin sighed and look up to him. "Isang linggo ko rin itong pinag-isipan. Naliwanagan ako nung sabihin niya sakin ang nangyare. At malakas ang kutob ko na hindi talaga siya yung nagkipag-break" sabi ni Seungkwan sa kaniya.

Tumaas ang kilay ni Seokmin at binitawan ang kaniyang ballpen saka hinawakan ang dalawang kamay ni Seungkwan.

"Bes.."

Hindi sumagot si Seungkwan at hinintay lang na tapusin ni seokmin ang kaniyang sasabihin.

"Alam mo namang mahal kita diba?"

"As a friend" dagdag ni Seungkwan sa kaniya.

"Alam mo namang mahal kita, as a friend diba?" pag-uulit ni seokmin sa kaniya at tumango si Seungkwan.


Matagal na hindi nagsalita si Seokmin at nanatiling nakatingin lang sa mga mata ni seungkwan. Tinatansa kasi niya kung gaano ka seryoso si Seungkwan sa sinabi nito.

Alam na alam niya ang nangyare sa kaibigan niya matapos siyang saktan ni hansol. At ayaw niyang maulit iyon. Makitang magpakatanga ang kaibigan niya para sa isang tao... na taken na.

How playful can fate be, parang inulit mula sa simula. Remember, hinabol rin ni seungkwan si hansol nung sila ni somi. Ngayon, si Hansol at Somi ulit... at maghahabol na naman ang kaniyang kaibigan.

"Ang dati nang tanga, nagpapakatanga ulit" wika ni seokmin sa kaniya na siyang ikinabagsak ng ngiti ni Seungkwan.

"But..."

"An idiot will always have a supporter. Kaya nandito ako para suportahan ka. Tangina ka talaga" sabi ni Seokmin sa kaniya kaya naman muling sumimay ang malaking ngiti sa mukha ni Seungkwan.

Kaya mahal na mahal niya talaga ang best friend nita since diapers ih! Very supportive sa kaniyang pagpapakatanga.

"Thank you talaga bes! buti nalang at napaka-supportive mo gosh!" sabi ni seungkwan at pinahid ang kaniyang imaginary luha.

Seokmin rolled his eyes, "Syempre. Basta ba 1 week akong makikikain sa inyo HAHAHAHA" kondisyon nito.

"Kahit na isang taon pa!" sagot ni Seungkwan sa kaniya. Natawa nalang si seokmin sa pambobola ng kaniyang kaibigan.

Kahit na tutol man si Seokmin ay wala siyang magagawa. Kung saan sasaya si Seungkwan ay doon na din siya.

They always got each other's back kaya support talaga nila ang isa't-isa. Mapa-problema man yan sa pamilya or sa love life. Basta wag lang sa pera... charot.

"So anong plano?"


Seungkwan stopped from giggling. He took the notebook and pen from Seokmin. He wrote something on it and showed it to him afterwards.

Binasa ni Seokmin ang nakasulat habang nakataas ang isa niyang kilay.


"Oplan: Ibalik ang Verkwan"

Napaangat ulit ang mga tingin ni Seokmin sa kaniyang kaibigan na ngayo'y may malaking ngisi sa kaniyang mukha.

"Ready kana?"

Seokmin wore a smug look on his face.

"Well let's get him back for you"


And their mission begins.



~•~~•~~•~~•~~•~~•~

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon