BH (59)

1.2K 104 35
                                    

AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

May ipis- char.

"Iiiiihhhhhh!!!" Inis na daing ko habang nagpagulong-gulong sa kama ko.

Kanina pa gising na gising ang diwa ko hindi ko alam kung paano matulog. Nakalimutan ko kung paano matulog. Hmm.


'Kasi ayokong makitang sinasaktan nila ang taong mahal ko. Ayokong makitang nasasaktan ang taong mahal ko'

Putangina. Ayoko na ring magising! Gusto ko ng makatulog! Kaya please chwe hansol umalis kana sa isipan ko!!!

Nanggigigil na ako grrrr!! Gusto ko na ng beauty sleeeppppp!

Padabog akong umupo sa kama ko, I looked up to my wall clock at nakitang nasa quarter to 12 na ng midnight. I sighed, "takte pano na ako makakatulog nito?" Tanong ko sa sarili ko habang nilalaro ang kumot ko.


Ilang beses na akong nanood ng satisfying videos that would make you sleep, pero wa effect mga besty. Tas nakinig na rin ako ng mga songs na pampatulog pero wa epek pa rin.

Ang tigas ng system ko, ayaw talagang magpatulog jusko! Pano ba kasi nilamon ni hansol.

Ang daya.. ang daya-daya niya. Siya nakakatulog ng maayos habang ako hindi makatulog. Ang gusto ko lang naman sa buhay ko ay makatulog ako ng walong oras. Ngunit, pero, subalit- char. Hindi ako pinapatulog ng isipan ko.

Over acting ako, eh! Nagha-hyperventilate na naman ako sa mga ganong linyahan ni hansol.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko, "gaga seungkwan. Move on" sabi ko sa sarili ko saka tumayo.

I wore ng slippers and night robe before I went to the veranda. Isinara ko yung sliding door saka naupo sa upuan. Inihiga ko ang sarili ko at nanood ng mga bituin sa langit.

Naks, ang ganda ng scene na ito. Sana lang talaga walang aswang na magpakita mamaya- char.

Nilasap ko yung malamig na hangin. Inayos ko yung robe ko, o diba naka robe ako? Umaasenso na ang kagandahan ko ngayon mga beshibells.

Ipinikit ko ang aking nga mata at naghihintay na maantok.

Alam niyo yung feeling na relax na relax ka at parang wala kang problema sa buhay mo? Na wala kang issue na haharapin kinabukasan. Na wala kang mga taong dapat na problemahin.

Ang sarap lang sa feeling na maayos yung buhay mo, kung may problema ka man madali mo lang itong malulutas.

Tas idagdag mo pa yung may lovelife ka yieee puta. Joke lang, isa pa yun pasakit pa yun sa isipan mo. Oo nga't masarap sa feeling na may taong nagbibigay ng hinahanap mong affection ng  pagmamahal. But we can't remove the fact that the person who'll love you will be the person to bring you in pain. Hindi ako bitter pero nagsasabi lamg po ako ng totoo. Kaya wag kayong ano diyan, opinion ko lang ito.

#don't_hate_the_diva


"Hays, what a life" I said with a smile in my face.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon