BH(05)

1.4K 104 97
                                    


Maaga pa lamang ay pumasok na ako para mailagay ko yung pinagpuyatan kong love letter sa locker ni Hansol babe. Hihi!

"Kwan pag tayo nahuli ili-libre mo ako ng isang daan" bulong ni Seokmin na nasa tabi ko.

Nilingon ko siya at nagsign ng tahimik. Ang bibig talaga niya ang magpapahamak sa aming dalawa.

Wala pang tao sa lugar na ito, ang aga pa kasi. Bukod sa mga athletes at basketball varsity players ay ang mga taong talagang maaga mga 5 am ay nandito na sila sa academy para naman mag-ensayo. Buti nalang talaga at hindi varsity player si bebe ko hihi! Knowing hansol mas gugustuhin nun na manatili nalang sa loob ng kwarto niya at mabulok kesa gumawa at magpakapagod sa extreme sports and activities.

Pero kahit ganun siya, he's good at playing badminton. From sophomore ay siya lang ang palaging nangunguna. Not only in badminton but also in table tennis. Mahilig siya sa mga sports na may hinahampas.

Buti pa yung badminton racquet nahahawakan niya, ako kaya kelan pa?

"Bala ka na jan, pupunta na ako sa classroom ko"

Nilingon ko saglit si seokmin. Pabulong ko siyang tinatawag pero yung taksil kong kaibigan tatalon-talon pa palabas ng lugar.

Napamura nalang ako at agad na hinanap yung locker ni hansol. Nung makita ko na ay isinilid ko sa butas yuong letter na ginawa ko sa kaniya. Bago ko isilid ay hinalikan ko pa ito. Hoping na halikan rin niya hehe.

Sana lang talaga at mabasa niya yung letter. Hindi ko naman sinulat yung pangalan ko kaya safe as for now ako, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya susulatan, at kung kailan ako magpapakilala sa kaniya. Pero sana mapansin niya lang naman at ikwento sa mga barkada niya yung letter ko, tehe. At least naipagmamalaki niya yung admirer niyang cute.

"Anong ginagawa mo?"

( OㅅO )

Agad akong yumuko pero sa kasamaang palad ay nabunggo yung noo ko sa bakal na hawakan ng locker sa ilalim ng locker ni hansol. I groaned in pain habang sapo-sapo yung noo ko.

Naka-crouch lang ako at dahan-dahang hinarap yung taong nasa likuran ko. Inangat ko yung tingin ko at akmang bubulyawan na yung taong nanggulat sakin. Ngunit nanuyo na yung lalamunan ko noong makita ko kung sino ito.

Nakatingin lang ito sa akin habang ang kaniyang noo ay nangungunot. Suot-suot niya yung mustard colored na beanie niya at may nakasalampak na earphones sa kaniyang mga tenga. Yung mustard na beanie niyang niregalo sa kaniya ni Samuel last year nung christmas party ng barkada nila. Pano ko nalaman? Naki-chismis sa mga fangirls niya. Pero hindi ako nakipag-usap sa kanila, napakinggan ko lang.

"I asked you, what are you doing?" tanong niya.

Napakurap ako ng ilang beses at agad na tumayo. Nanginginig kamay kong pinagpagan ang aking uniporme at tumabi para makapunta siya sa locker niya.

Kailangan ko ng makaalis bago pa niya mabuksan yung locker niya kundi mabubuking talaga ako ng wala sa oras.

Hays!

Ba't kasi iniwan ako ni Seokmin?! Siya sana yung magsisilbing look out ko!

"A-ano...n-nakalimutan k-ko kasi y-yung...yung l-locker k-ko" nauutal na sagot ko sa kaniya.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon