BH (85)

861 83 10
                                    

***

"Sino ka ba't ka nandito?" Tanong ulit nung lalake kay Seungkwan.

Nahigit ang hininga ni Seungkwan saka hinarap yung lalake. Tinatago ang kabang kaniyang nadarama.

Ba't naman siya kakabahan kung wala naman siyang masamang ginawa- amps.

"Masama bang pumunta sa lugar na'to? Sa pagkakaalam ko nagbayad ako ng ilang daang libo para lang makapasok sa paaralang ito. Kaya'y mayroon akong karapatan para libutin ang paaralang ito. Kahit na mapunta man ako sa isang lugar gaya nito" sagot ni Seungkwan, with full of confidence.

So chilli siya kasi-

Char.

Pinanliitan siya ng lalake ng mga mata. Seungkwan looked at the other way para hindi mahalatang nagsisinungaling. Isa sa mga kahinaan niya ang pagsisinungaling ih.

#honesto_si_seungkwan


"Tss... sa oras na may narinig akong usapan tungkol sa nangyari dito. Hahanapin talaga kita" sabi nung lalake saka hinawakan ang kwelyo ni Seungkwan sabay hatak palapit sa kaniya.

Seungkwan had a mini heart attack. The sudden action of the unknown guy caught him off guard. Kung kaya'y kasing bilog ng mamon ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa mga nakakamatay na tingin ng lalake.

Ilang segundo silang nagkatitigan, until the guy pushed him, kaya napaupo si seungkwan sa lupa. Feeling the pain from his bottom.

"Tsk"

Nilakaran siya ng lalake saka iniwan siyang mag-isa at nakasalampak sa lupa. Seungkwan's eyebrows met, he turned his head around to see the guy. Pero wala na ito, hindi na niya nakita pa.

"Ampota. Hambog! Tutulungan ko pa sana! Tsk!" Inis na wika nito at padabog na itinayo ang kaniyang sarili.

Pinagpagan ni seungkwan ang kaniyang damit. Tinitignan niya ang lugar, hoping na may nakakita sa kanilang dalawa para naman mayroon siyang human evidence, ukol sa pagmamalupit ng lalakeng iyon.

"Gago talaga yun gago ampota" pagmumura ni Seungkwan habang naglalakad pabalik sa building nila.

Yung pagkain ni Seokmin, nadumihan na kung kaya'y 'di na niya ito makakain pa. While walking towards the campus, nakasalubong ni Seungkwan ang kaniyang Jihoon at Soonyoung hyung.

"Z, samahan mo na ako mamaya~ may bagong stall ng takoyaki. Usto ko nun hehehehe"

"Edi kumain ka ng mag-isa mo. Punyeta. Kailangan pa ba kitang subuan?" Tanong ni Jihoon sa kaniya.

"Ziii!! Tsk tsk! Samaha-- oy seungkwan!"

Napaangat ang tingin ni Seungkwan at kaniyang nakita si Soonyoung, kasama si Jihoon.

"Oits hyung. Ba't kayo napadpad dito?" Tanong ni Seungkwan.

"Ala lang, para may cameo- ouch!" Hindi na naituloy ni soonyoung ang kabalastugan niya nang batukan siya ni Jihoon.

"Etong gago, gustong magpasamang bumili ng takoyaki dyan sa kanto. Ayokong sumama kasi mapapasubo na naman ako sa kainan tsk!" Ani ni Jihoon at saka piningot si Soonyoung.


Napabuntong hininga si Seungkwan. "Sige hyung. Magpatayan muna jayo dyan, nai-istress ako. Kailangan kong makita si seokmin para may paglabasan ako ng sama ng loob" sabi ni seungkwan sa kaniya.

"Ge. Ingat ka sa daan. Pakisabi kay seokmim yung utang niya sakin! Gago di na niya ako binabayaran!" Sabi ni Soonyoung.

Napakamot nalang ng ulo si seungkwan dahil nagsimula na namang magbangayan ang dalawa.


"Yung dalawang yun, bagay na bagay" sabi ni Seungkwan habang naglalakad palayo sa kanila.


Seungkwan was about to enter his classroom ng biglang may humila ng kaniyang kamay.

And then, he started dashing along with the man who's holding his hand.

"HOI! ANONG GINAGAWA MO! POTA! KIDNAP! KIDNAP!!!" sigaw ni seungkwan na nagpaingay sa buong hallway.

Hindi siya pinansin ng taong may hawak sa kaniyang kamay at patuloy pa rin sila sa  pagtakbo. Halos matumba na si seungkwan sa kakatakbo. Yung puso niya double beating na ata ang ginagawa.

"POTA! BITAW! HELP!" Sigaw ni seungkwan sabay upo sa sahig para bigatan ang lalake at tumigil na sa kakatakbo.


"AAARGH!" gigil na sigaw ni Seungkwan dahil kahit na nakaupo na siya ay patuloy pa rin sa pagtakbo yung lalake.

Seungkwan used all his might to pull down the guy, making the guy stumble down.

Kaagad na nagsisi si Seungkwan dahil nadaganan siya nung lalake.

'Ang bigaaat!!' Daing nito sa kaniyang isipan, as he groaned.


Kaagad na umalis yung lalake sa ibabaw nito at hinarap si seungkwan.
Seungkwan who was just recovering from the pain, looked up and glared at the guy.

"GAGO K-- IKAW NA NAMAN?!" nahinto si Seungkwan sa pgmumura dahil namukhaan niya ang lalake. Ibinaba ni Seungkwan ang mga mata niya sa I.D nung lalake.


The guy stared at him blankly. Before he left him, running away from him.


"Bes!!" Rinig ni Seungkwan na sigaw ni Seokmin mula sa di kalayuan.


Wala pang ilang segundo ay kaagad siyang tinulungan ni Seokmin na makatayo. May mga estudyante ring nakiki-osyoso sa pangyayare.

"Tabi!" Singit ng isang boses ng lalake.

Seokmin pulled seungkwan with him to the side. May grupo ng apat na lalake ang tumatakbo papunta sa tinakbuhan ng lalakeng nagpahamak kay seungkwan.


Boo, who's still fuming in anger. Pulled out his phone and went to his twitter. As he tweeted:

LEE DONGHYUN!!! HINDI PA TAYO TAPOS! PUNYETA KA!

Lee Donghyun, was the guy who made him ran. Ang lalakeng nakasagupa niya kanina before siya makaladkad sa hallway.

The guy who he considered, his mortal enemy.




***

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon