BH(35)

1K 89 48
                                    

Takbo dito, takbo doon, tawag dito, tawag doon.

Yan ang kanina ko pa ginagawa at hindi ko alam kung ilang fats at calories na ang aking nasunog dahil sa mga activities na ginagawa ko.

Hindi naman ako ganun ka busy, mej lang mga bes mej.

"Sof! Yung waiters okay na ba?" tanong ko kay sofia na nasa kabilang sulok ng function hall.

She gave me a thumbs up before walking to another area, napabuntong hininga ako at chineck yung mga gawain na nakalagay sa listahan.

Eto na yun eh, yung araw na hindi ko gustong mangyari. Yung araw na you know, special para kay hansol babes at sa kabit niya.

"Boo?" Nilingon ko si hansol na nasa tabi ko na pala at sinisilip ang listahan ng mga gawain.

"Oh? Ba't nandito ka? Anong oras mo ba siya susunduin?" tanong ko sa kaniya.

He smiled at me before checking his wristwatch, "I'll pick her up in 30, dumaan lang ako saglit para tignan ang mga lugar" sabi niya saka inilibot ang kaniyang mga mata sa buong lugar.

Obviously the whole boring place was turned into a romantic one, yung mga roses na nakakalat sa sahig, yung mga balloons na nakalutang sa ere. Yung mga polaroid pictures nina Hansol babes at ng kaniyang kabit na nakasabit sa isang parte ng hall.

Dalawa lang kami ni Sofia ang nag-ayos nito, lahat ng gastos ay kay hansol. Pati na rin ang rent nung hall tsaka yung mga waiters. Yung pagkain siya na rin. Kaming dalawa lang talaga ni sofia ang bahala sa pagdisenyo ng buong lugar.

Kung tatanungin niyo ako kung anong parte ang pinakamahirap na ayusin sa buong lugar na ito? Yun ay ang mga polaroid pictures nilang dalawa.

Ni hindi ko alam na ganun pala karami ang mga moments nila together, the captured moments to be exact. The whole place was too romantic for me to take in.

Kaya kahit may kirot mga bes, laban pa rin. Parte kasi ito ng pagmamahal, ang pagiging martyr, ang paggawa ng mga bagay na ikasasaya ng taong mahal mo na dahilan kung bakit ikaw naman ang nasasaktan.

We need to create a balance kasi mga bes, kapag may saya edi shempre may lungkot. Kapag may pagmamahal, may kirot at sakit.

"You did a great job" natauhan ako ng magsalita si hansol babes.

"I know right. I know you'll like it" sabi ko sa kaniya.

He turned to me and gave me a warm smile, "She'll definitely love this" binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti.

Kung pwede ko lang sirain lahat ng ito! Hmp! Char! Di naman ako ganun ka bitter mga bes.

Sobrang bitter lang. Hehe putcha.

"Hmm! Susunduin ko na siya. I'll text you kung malapit na kami" sabi niya habang tinitignan ang kaniyang cellphone.

Tumango ako at lumayo sa kaniya, "Sige. Ingat kayo" sabi ko sa kaniya.

Binigyan niya ako ng malaking ngiti biglang sagot bago siya patakbong lumabas ng hall.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon