♧
( 1st step: Gawin ang mga gawain mo dati sa kaniya)
Naglalakad ako ngayon sa papunta sa aming classroom ng biglang napadaan si hansol. I looked for a nearest hide out at nung maka spot ako ng possible na taguan malapit sa kaniya'y kaagad akong pumunta doon at nagtago.
Alam kong mukha akong buang ngayon, pero ito naman ang gusto ko. Tsaka mababaliw talaga ako pag hindi ko nabawi ang dapat ay sa'kin.
Char.
Pinapanood ko ang bawat galaw niya, at sinusundan siya gamit ang aking mga mata. I moved to another hiding spot near from him, nahinto siya sa paglalakad at nakipag-usap sa mga grupo ng lalake.
I suppose, his new group of friends. Lol tatlo rin yung kaibigan niya, bumalik ba kami talaga sa highschool? hahaha!
Susundan ko na sana siya ng biglang may humila sa aking kwelyo. I groaned and turned around. Seeing Wonwoo hyung.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
I frowned. "Shh kalang pero binabawi ko kasi si Hansol" sabi ko sa kaniya.
Napailing siya saka ipinagkrus ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang non-existing boobs. Lol.
"Trip mo naman ulit na masaktan?" tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay.
I shook my head, "Hangad kong sumaya ulit sa piling niya" sabi ko sa kaniya at ipinakita ang aking oh-so-gorgeous smile.
Wonwoo hyung stared at me with his judging eyes. He sighed and turned around, "Bahala ka sa buhay mo" sabi niya saka isinuksok ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa niya.
"Bahala ka na kay Mingyu mo" balik ko sa kaniya saka humagikhik na umalis.
Saya eh no? Siya may mingyu, si soonyoung hyung may jihoon... ngunit wala dito ngayon si Jihoon at nasa U.S kay may nangyari sa kanilang dalawa. Hayst. Si jeonghan hyung may Seungcheol, ghost students silang dalawa amps. Si Myungho may prinsipeng naghahabol sa kaniya. Samantalang ako, hinahabol pa ang aking asawaㅡ yieee... si seokmin? lol forever single.
Char.
Ewan ko ba sa lovelife nun, pero base sa aking ninja skills na pagbabasa sa kaniyang messages, may kinikita siyang Joshua. OooOooH.
May kaniya-kaniya kaming mga pinagbi-busyhan kaya minsan nalang kami kung mag contact. Lalo na't nasa panghuling year na sila sa college maliban saming dalawa ni Seokmin. Amps.
Okay so stop na ang story telling at balikan natin si Hansol.
Ngayon ay nasa botanical garden kami. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Nasa loob kami ng greenhouse at ako'y nagtatago sa isang puno habang siya naman ay nakatayo sa harapan ng mga bulaklak. Ang kaniyang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang mga bulsa.
Putaaaa!
Kahit na nakatalikod siya, ang gwapo niya pa rin huhu!
Okay. Poise seungkwan, poise.
"Come out"
Kumabog ang aking dibdib ng bigla siyang magsalita. May kalakasan, pero hindi siya sumigaw.
Okay nahuli na ako ano pang saysay ng aking pagtatago?
I stepped out, ngunit biglang may sumulpot at yumakap sa kaniya. Ay? may sumasapaw.
Bumalik ako sa aking pinagtataguan. Ang mahaba at shoulder length na buhok. Kahit na nakatalikod ay alam mong maganda na. Ang kaniyang balinkinitang katawanㅡ it's my mortal enemy. Somi.
"Your senses are getting stronger" sabi niya at may malanding tawa pa sa huli.
Tangina. Ang sarap mong ingudngod ngayon sa lupa.
Hansol chuckled and it made my heart flutter at the same time broke. ouch. Double feeling, pinakilig ka ngunit sinaktan ka. charot.
"Of course, because it's you" sabi niya saka hinug ulit si Somi at isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg nito.
Why do I have to witness this kind of fake romance and shit?
"You're coming on weekend?" tanong ni Somi sa kaniya.
May ano sa weekend? Gusto kong pumunta at patayin siya on the spot. :-)
"I'll see about it, Sofia's coming on Sat. kaya kailangan ko siyang sunduin sa airport" sagot ni Hansol sa kaniya.
Sofia
Oh shit.
"Ohh! then invite her to the family dinner. After all we're family" sabi ni Somi saka kumalas na sa yakap si Hansol.
Gusto kong mafeel ulit ang mga yakap mo sakin, chwe.
Sana ako ang nasa posisyon ni soㅡ hep! Wag munang maging emo seungkwan! Mas lalo kang mapanghihinaan ng loob sa ginagawa mo.
Nakatayo lang ako sa pinagtataguan ko for almost 15 minutes. Nung makita kong umalis na si Somi ay kaagad akong nagtago ng mas matindi para di niya ako makita. Kasi kung makikita niya ako, makikita niya rin ang kamatayan niya :-)
The devil is out. Thus, you girl should really be careful not to get caught.
Nakatitig lang sa kaniya si Hansol habang naglalakad ito palayo.
"Come out whoever you are" bigla siyang nagsalita kaya muli akong nabigla.
Gosh! baka nandito ulit si Somi?
Or baka ako na talaga?
Napapikit ako saka sumandal sa puno. I crossed my fingers hoping for some guidance na hindi ako mahuli. The devil is out, and hansol's the devil. amp!
Pinapakalma ko ang sarili ko sa pagpapanic. Basta si hansol, kapanic-panic talaga. Char!
Makalipas ang ilang minuto'y hindi na nagsalita si Hansol. I sighed and opened my eyes.
"Why are you following me?"
Only to see Hansol staring at me.
"GAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"
♧
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfiction"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...