♧
"Mawalang galang lang ho, Mr. Panot- este principal, ilang beses mo po pa ba akong iho-hold dito sa opisina niyo at papaaminin sa isang salang hindi ko naman ginawa?"
"Pumapasok ako para mag-aral hindi para pagreportin sa principal's office everyday at imbes na bagong lessons ang maririnig ko, ang mga walang patunay na paratang ang siyang naririnig ko"
"Kahit na ilang beses niyo pang ipagdiinan na ako ang kumuha sa shit na funds na iyon, hindi ako aamin dahil HINDI ako ang kumuha. May nag set up sa'kin at iyon ay ang aking tutuklasin" panghuling sabi ko sa kaniya saka ko siya masamang tinitigan.
"I don't tolerate this kind of disobidience from a student, Mr. Boo. And just for you to know, as long as wala pang ibidensiyang lumalabas na ika'y naset-up ay mananatili kang may sala" sagot niya na siyang ikinainit lalo ng ulo ko.
Pagod na akong makipag-talo sa matandang ito. Pagod na rin akong idefend ang sarili ko puta.
Para kasing pinagkakaisahan ako ng nga tao sa paaralang ito. Araw-araw hindi lamang masasamang tingin ang natatanggap ko mula sa mga estudyante, nagalaw na rin nila ako nung 'hindi sinasadyang' matapunan ako ng spaghetti nung isang junior.
Magmula nung kumalat yung sa aming dalawa ni Hansol, mas lalong nadagdagan yung problema ko sa mga walangyang estudyante. Stupidents.
And speaking of hansol, araw-araw niya rin akong inaasikaso. Like... every day, every hour, every minute, every second, every breath. Langya. Hindi sa nagrereklamo ako or something pero parang dinadagdagan niya lang yung stress ko.
Alam niyo kung anong gusto ko?
Ang gusto ko ay gumawa ng isang time travelling machine tsaka bumalik sa panahong, crush ko palang si Hansol at hindi ako pinapansin ng nga stupidents. Para wala ng problema.
Yung po-problemahin ko nalang ay ang pagpapapansin ko kay Hansol. Yun lang.
Kesa sa ma-stuck sa ganitong sitwasyon, na walang katapusan ang pangpaparatang at panga-akusasyon. Gosh!
"Just talk to yourself, Principal" sagot ko kay panot saka tumayo na at nagcat walk palabas ng kaniyang opisina para mas lalo siyang mainis.
Narinig ko ang kaniyang pagtawag ngunit hindi ko pinansin ang nakakarinding boses niya.
Nang makalabas ako ay naabutan ko si Hansol kasama ang kaniyang mga kaibigan na nakaupo sa bench, 7 feet away kung saan ako nakatayo. As soon as his eyes met my figure, he stood up and made his way towards me.
I sighed, "Hey, how did it go?" Tanong niya.
I shrugged, "The normal routine. Pinatawag para akusahan" sagot ko sa kaniya saka inagaw yung inumin niya at nilagok ito para mawala ng kahit papano ang stress ko.
"Damn that bald man, don't worry malapit nang malaman kung sino talaga ang naglagay ng pera sa pencil box mo" sabi niya na siyang nakapagpataas ng kilay ko.
"Really? Sino? At ng masabunutan ko na ang gagang yun" tanong ko sa kaniya.
Nangangati na ang palad kong mapunta sa kaniyang makapal na mukha. Gaga talaga ang taong nagframe up sakin! Di niya alam kung sino ang binangga niya!
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfiction"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...