BH (92)

729 84 23
                                    


//inhale//

//exhale//

//inhale//

//exhale//

"Boo"

Napasigaw ako sa gulat at papikit na sinampal yung taong kumalabit sa'kin mula sa likuran. Isang malakas na hiyaw naman ang narinig ko bilang resulta.

Matinis na sigaw pa lang alam ko ng kay seokmin ang boses na iyon. Ooof!

"Ba't ka nananampal?!" Sabi niya habang sapo-sapo ang kaniyang namumulang pisngi.

Amps.

Napanguso ako saka nagsorry sa kaniya. Pero syempre di ko pa rin kasalanan yun, charot- hati lang kami hehe. Di ko siya masasampal if hindi niya ako ginulat amps!

"Nanood ka naman ng horror ano?" Tanong niya habang naglalakad kaming pareho papasok ng school.

"Tangina kasi ng isip ko. Ampoteks! Tas kanina may nakasalubong akong aswang!"

"Weh? Talaga? Baka nakita mo lang ang hitsura mo sa salamin" sarkastikong sagot niya saka ako inismiran.

Sinapok ko siya. Ba't ko ba siya naging kaibigan? Hmp!

"Seryoso nga! Huhuhu" sabi ko sa kaniya habang kinakalabit siya sa kaniyang damit.

Iwinaksi niya ang kamay ko saka pumasok sa kaniyang classroom. "Kitakits nalang 'mayang lunch" sabi niya saka pinagsarhan ako ng pintuan.

Bastos! Grrr!

Frowning, I walked towards my classroom. Sinalubong ako ng mga kaklase kong manghihingi na naman ng advice, you know about anything. Family, friends, love?


Nabanggit ko na ba sa inyong isa akong DJ sa school? Hehehe! Nag-apply ako sa school's radio club tas isang try lang poof! Ako na yung master dj. And I go by the name of DJ boo.

Normal.

Char.

Umupo ako sa aking upuan saka pinalibutan naman ako ng mga kaklase- este alagad ko. Hoho.

"What's the food for thought today DJ boo?" Tanong ni cashmere, isang german girl na ka klase ko.

Pinahid ko ang imaginary dugo sa aking ilong. Ke aga-aga mano-nosebleed ako nito.

I pulled out my phone at tinignan kung ano ang food for thought sa araw na ito.

"If someone in the past gets back in the present. You should accept that person wholeheartedly, hold no grudge against that person and set yourself free"

"Ooooohhhh" sabay-sabay nilang sabi saka nagchikahan.

"Kaya guys, kung si ex mo'y babalik. Accept mo siya... maybe as an acquaintance, but don't accept him/her once again sa puso mo. Why? It's because that person had caused you pain, once. Kaya nung pinapasok mo siya ulit, baka gawin niya ulit yun diba? Kaya iwas tayo sa sakit. Iwas sa ex na bumabalik" sabi ko sa kanila saka binigyan sila ng isang matinding ngiti at wink.

Gosh ang ganda ko.

Char.

"Pano kung may reason pala kung bakit umalis yung ex mo?" Tanong ni Jihae.

"Then hear his/her reason, nasasayo na lang ulit kung tatanggapin mo siya sa puso mo. But do make sure that the reason is real, baka naman sinabi niya lang iyon para makuha ulit ang loob mo diba?" Sagot ko sa kaniya.

"Tama. Tama" pagsang-ayon ng mga alagad ko.

"Pero DJ boo, paano mo malalaman kung totoo nga yung sinabing rason?" Tanong ni Hoojin.

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Papano nga ba? Buti na lang at nai-google ko ito kagabi hihi!

"Through his eyes. Sa mata natin makikita ang katotohanan. Actions can deceive us, words can deceive us. But our eyes won't deceive anyone" makahulugang sagot ko sa kaniya at tinuro pa talaga ang mga magagandang mata ko.

"Ooohh! Ang galing mo talaga dj boo!"

"Hehehe no problem. Basta guys--"

"May ex ka na ba dj boo?" Singit na tanong ni ilsoon habang nagsasalita ako ng aking closing remarks. Maka closing remarks akala mo nagprogram eh no?


"To tell you honestly, meron" sagot ko sa kaniya saka siya binigyan ng ngiti.

"Bakit po kayo nagbreak?" Tanong ni Linda. Natahimik ako, I'm contemplating if I should answer that question or not.

But in the end I played safe by answering, "Maybe we're not really meant for each other, kaya kami naghiwalay" sagot ko sa kaniya.


"Pano kung bumalik siya at marealize mong mahal mo pa pala siya Dj?" Tanong ni linda ulit.

Amps! Boy abunda is that you? Charot.

Bumalik na nga eh-sksksksk

"Then so be it, kung mayroon pa siguro akong natitirang pagmamahal sa kaniya. Hahayaan ko nalang ito, but I won't let it grow. Kasi okay ng once na nasaktan, kung uulit-ulitin baka cancer na ang resulta. Charot" sagot ko sa kaniya.

The other people laughed at my response. I entertained them for a few more minutes, kasi wala pa naman ang prof namin.


"DJ boo, alam mo na po bang may transfer student sa music department?" Chika ni Jaejun.

"Really?"

"Opo. Nakita namin siya kanina, and sobrang gwapo niya! He's a halfer by the way" sabi ni Jinah.

I just gave them a small smile. Ba't iba ang pakiramdam ko dito? Umaandar naman yung radar ko.

"Ano daw pangalan?" Tanong ko sa kanila.


"Hansol Chwe daw"



BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon