BH (74)

977 89 37
                                    


Ilang linggo na ang lumipas magmula nung maging kami ni Hansol babes kong mapagmahal super duper laki-laki betlog- not a joke, kasi alam niyo naman american size is big ;-))

And now, ito na ulit ang simula ng buhay naming dalawa... bakit?

Because bitches, we're going to graduate. This day... and at this very moment nakatayo ako ngayon sa linya. Medyo magkalayo kami ni Hansol babes kasi iba yung section ko tapos siya yung nasa pinakauna.

Proud na proud ako sa kaniya, valedictorian lang naman ang babes ko. Tapos si Seokmin ayun! Nakalusot pa at naka with honors. Langya, akala ko makakapasok ako pero okay lang naman kahit di ako nakapasok. Waging-wagi naman ako kay hansol babes hihihi.

"Kwan! Pose dali!" rinig kong sabi ni Noona. I rolled my eyes, makailang beses ma akong magpapicture sa kanila kanina. Alam ko namang maganda ako mga noona at mudrakels, pero nakakasawa rin na picturan ka ng picturan.

Tsaka, kanina ko pa gustong nagpicture kaming dalawa ni Hansol- pero hindi ako makabuwelo kasi nandiyan ang family niya.

Hindi kasi siya natulog kagabi sa bahay, he stayed on the hotel kasama ng family niya. And to tell you, 1 day palang na hindi ko siya kasama namimiss ko na siya.

Clingy much right?

Wala eh ganiyan talaga pag may love life hihi! Hanggat mayroon ka lubus-lubusin mo na hihi!

"Ano nak nakabusangot kana naman diyan, graduation day mo ngayon oh" sabi ni mama.

"Wala ma, naiinip na ako ang tagal ng march" sabi ko sa kaniya, kanina pa kami nakatayo tapos ang init-init pa, di pa kami pinapapasok sa hall jusko.

Anong ek ek na naman ba ito Carat Academy? Hindi pa ba sapat ang apat na taong pagpapahirap mo sa'kin?

Echos, okay lang kasi sa apat na taon na iyon naging akin naman si Hansol babes.

Yung lalakeng pinapanood ko lang mula sa malayo, yung lalakeng pinapangarap ko, at yung lalakeng pinapadalhan ko ng sulat ng pasikreto ay naging akin na.

"Oh, tas ngayon naman ngiting-ngiti ka na, ang weird mo Seungkwan" puna ni Jinseol noona.

I frowned, "inaano ba kita dyan noona? Tsk. Maghanap na kayo ng mauupuan, si mama at ako lang ang magra-runway" pagtataray ko sa dalawang noona ko. Inirapan nila akong pareho, inirapan ko naman sila pabalik.

Ha! Ilang taon niyo rin akong inaabuso- charot. Mahal ko ang mga noona ko kahit nawawalan na sila ng time sakin dahil may sari-sarili na silang gawain. Tsk.

Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa inanusyo ng magsisimula na ang programa. Inayos ni mama ang uniform ko saka inayos ko rin yung buhok niya.

The march started as soon as the doors opened, mula sa first section hanggang sa last section.

"This is it" rinig kong wika ni mama, naramdaman ko ang pagpiga niya ng braso ko bago kaming dalawa na lumakad.

"Boo Seungkwan, class 6" anunsyo nung emcee.

Proud na proud akong lumakad sa gitna, may pa wave-wave pa akong nalalaman. Nakatanggap ako ng samu't-saring reaksyon mula sa mga ka-batchmate ko. Mapa tawa, ngiti o inggit man ito. Heh! Kelan pa nagpapatalo ang isang Boo?

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon