BH(20)

1.2K 94 61
                                    

"HO! HO! HOO!! MERRY CHRISTMAS!!"

"HO! HO! HO! HO! MERRY CHRISTM--"

"Lee freakin' seokmin! Staaaahhppp!!"

Napatakip ako sa aking tenga. 7 hours nang ganito si seokmin. Oo alam ko malapit na yung pasko, 12 days nalang pasko na pero jusko! Daig niya pa si santa claus para magsabi ng ganiyan! Jusko po!

"Shoo! Shoo nga kwan! Malay mo makatanggap ako ng christmas present diba?" sabi niya habang nagtataas-baba ang kaniyang kilay.

"Oh c'mon! 17 years old kana naniniwala ka parin diyan?" taas kilay kong tanong.

4 years old kasi ako nung narealize kong hindi totoo si santa kasi nahuli ko si mama na nilalagyan niya ng regalo yung isinasabit kong medyas sa pintuan ko. Nasira tuloy imagination ko. Pero okay na rin.

Para mamulat ako sa katotohanan at hindi mabuhay sa puro kasinungalingan.

Char!

Ilang bwan na ang nakalipas ng magsimulang tumira si Hansol sa bahay namin. Around september? October? August? Basta mga month na yan, tas ngayon, december na at going strong ang friendship naming dalawa! Har har!

Friendship, :<

Nag-uusap naman kaming dalawa. Nagpapatulong ako sa mga hindi ko naiintindihang assignments sa kaniya, he would tutor me everynight. Pero lately nababawasan na nga yung tutoring time kasi lumalabas silang dalawa ni somi.

Akalain niyo yun, kung sino pa yung taong nanakit sayo siya pa yung babalik-balikan mo.

Syempre hindi ko itinatanggi na hindi ako nagseselos. Mga bes, alam niyo namang possessive ako pagdating kay hansol babes. Pero wala tayong magagawa.

Nagpatuloy pa rin yung pagbigay ko ng mga love letters sa kaniya. May time pa na muntikan na akong mahulu ni Dongjin! Yung isa sa mga kaibigan niya! Pero buti nalang talaga dahil sa acting skills ko nagawa kong makalusot sa crucial moment nayun!

"Oh, musta naman kayo ni hansol babes mo? Hay naku kwan! Ang tindi mo rin ano? Akala ko talaga susukuan mo na siya, pero nang dahil lang sa pagkain nagawa mo pang kumapit?!"

Napahinto ako sa pagtatype sa keyboard at nilingon siya.

"Dapat hindi ka baboy, dapat butiki ka. Ang higpit mong kumapit sa pader na nagngangalang vernon" umiiling na sabi niya.

Napakrus ako ng aking kamay. "Malay ko ba, hindi na ata ito crush bes. Akalain mo yun? For the past 10 years ngayon lang kami nagkausap talaga at bonus pang naging magkaibigan kami. Baka sa next 10 years pa kami magkakatuluyan! Tas uugod-ugod na kami kapag kinadal kaming dalawa. Jusko!" sabi ko habang iniimagine yung hitsura namin ni hansol babes.

Naka-gown ako na nakaupo sa wheelchair habang tinutulak ni seokmin na maid-of-honor ko papunta sa altar kung saan nakatayo si hansol babes na may baston.

Jusko po! Nooo!

"Baka nga hindi mangyari yun! Expectation is very far from reality kwan" pango-ngontra ni seokmin na siya nakapagpanguso sakin.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon