~~~~■~~~~
*3rd Person's*Abalang-abala si Seungkwan sa pagluluto ng kanilang panghapunan. Kahit na siya'y abala, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mga labi na para bang anytime ay mapupunit na ito sa kakangiti niya.
Ang dahilan?
Silang dalawa lang ni Hansol sa bahay nila. Kahapon lang umalis si Sofia na siyang labis na ikinalungkot ng dalagita. Gustong-gusto niya pa kasing i-extend ang stay niya sa pamamahay nila ni Seungkwan nang sa ganun ay may tao siyang mapagti-tripan. Hindi siya sinundo ng kaniyang mga magulang dahil pareho itong busy, malungkot si seungkwan para kay sofia knowing na ilang weeks din silang nagkawalay. Pero parang wala lang ito kay sofia dahil sanay naman siya.
Strong independent woman si sofia pero baby baby ng kuya niya.
"I'm wishing~ I'm wishing~ for the one I love~ to find me, to find me~ todayy~~" pagkanta ni seungkwan at ginaya ang estilo ng pagkanta ni Snow white habang kumukuha siya ng tubig sa deep well.
Habang nilalagay ni Seungkwan ang sahog mula sa kaldero ay napatalon siya sagulat ng may kamay na dumapo sa kaniyang balikat.
He turned around at akmang ihahampas na ang sandok na kaniyang hinahawakan nung nakita niyang si Hansol lang pala iyon.
"Jusko! Ginulat mo ako!" Ani ni seungkwan at naparolyo ng kaniyang mga mata.
Vernon scratched his head, "Sorry, akala ko napansin mo na ako"
'Napansin na kita sampung taon na ang nakalipas pero ang pagtingin ko sa'yo di mo parin pansin' seungkwan thought.
"Kahit na! Hays, ihanda mo na nga lang ang mga plato sa mesa at matatapos na ito" sabi ni Seungkwan at muling bumalik sa pagluluto.
Minsan lang magluto si Seungkwan, minsan kasi hindi siya pinapaluto ng mama at mga ate niya. Sabihin nalang nating wala silang tiwala sa cooking skills ni Boo Seungkwan.
"Boo?" Pagtawag ni Hansol sa kaniya habang sine-set up yung mesa.
At dahil sa likas na malandi amg puso ni Seungkwan ay agad siyang namula, "Yesh?"
"Can we discuss something at my room later? I mean kung hindi ka pa pagod"
At dahil rin sa likas na pagkaberde ng utak ni Seungkwan ay hindi niya mapigilang lingunin si Hansol na nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"W-why?"
"We'll talk about that only if you'll give me your response for later" sabi niya.
'Huy!! Eto na ba nga bestie? Isusuko na ba ang jeju?' ang nakapaloob sa isipan ni Seungkwan.
"Okay. Magpapatulong na rin ako sa assignment ko sa math" sagot ni Seungkwan sa kaniya.
"Cool" hansol responded before he sat on the chair and focused on his phone.
Bumalik si Seungkwan sa pagluluto at punong-puno ng mga scenarios ang kaniyang isipan. Impossibleng love scenarios lang mga bes, syempre may mga Dirty scenarios.
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfiction"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...