BH (62)

1.2K 99 34
                                    



"Anong gusto mo? Jam and bread or bread and jam?"

"Yung jam ni jimin"

"Pfft! Seriously boo?"

"Whatever" sabi ko sa kaniya saka tinalikuran siya para kumuha ng fresh milk sa ref.

"But seriously tho, you must eat your breakfast" sabi niya.

Simula nung nag-agree ako sa 'pangliligaw' niya, hindi na niya ako tinantanan. Sina mama at noona naman ay todo panunuya sakin, tinatanong si hansol kung bakit ako pa? Habang si seokmin naman ay.. ewan ko parang wala lang sa kaniya eh. Lol.

"Ayoko, I'm on a diet" sagot ko sa kaniya saka umupo sa isang stool.

May 15 minutes pa akong free bago pumasok sa school. Ite-text ko pa si Seokmin kung sasabay ba siya o hindi. Sana lang sumabay siya kasi ang awkward kung kaming dalawa lang ni hansol-


Feeling ko kasi ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Ilang months lang jusko! Matapos nung pag-amin ko sabay iwas sa kaniya. Hindi pa ako sigurado kung totoo nga ba ang sinabi niya. Gusto kong dahan-dahanin para sureball.

Ewan ko kung hanggang kailan ako magtitiwala? Sana lang talaga kaya niyang maghintay, kahit na mahabang panahon pa.


"Oi!" Angal ko nung bigla niyang hablutin yung cellphone ko mula sa aking mga kamay.

Umiling siya, "kumain ka muna bago ito" sabi niya saka ipinakita ang cellphone ko.

Hahablutin ko sana yung cellphone ko ng bigla niya itong ilayo. "EAT. Boo" he demands.


"Tsk. Sabi na ngang nagda-diet ako" nakangusong wika ko at sinimulang kainin yung pagkaing dinala niya para sakin.

"You're getting thin at gusto mo pang magdiet?"

"Eh sa gusto ko ngang mas pumayat para di na ako asarin ng mga gagang inggitera" sagot ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at saka hinawakan ang kamay ko, "you don't have to mind them boo, you're beautiful and sexy in my eyes" sabi niya at binigyan ako ng isang nakaka-diabetes na ngiti.

Eeeeehhhh!!

Pota wag kang ganiyan, baka hahanap-hanapin ko. Charot.

"Sa mata mo lang, eh sa mata ng iba?"

"Gaya nga ng sinabi ko, wag mo silang intindihin. Judgemental people are common nowadays, all you have to do is to not mind them and mind me instead" sabi niya at saka ngumisi ng nakakaloko.

Oo na ikaw na ang nasa isipan ko, tuwing umaga.. tuwing gabi.. pinapatay kita- charot.


Inismiran ko lang siya saka inalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya at nagpatuloy na sa pagkain. Habang siya'y kinakalikot ang cellphone ko. Hindi ko na kailangang mag-worry kasi may password naman. Alam kong di niya alam ang password ko.. hehehe.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon