~•~~•~~•~~•~~•~~•~
....
......
"WUY!!"
"Anak ng kabayo!"
Napatalon si Seungkwan sa kaniyang silya matapos siyang gulatin ni Seokmin. Kanina pa kasi napapansin ni Seokmin na wala sa sarili at nakatingin lang sa di kalayuan si Seungkwan.
Malalim ang kaniyang iniisip, mas malalim pa sa mariana's trench.
"Kanina ka pa natutulala diyan. Anong keme mo?" tanong ni Seokmin saka umupo sa kaniyang pwesto.
Napabuntong hininga si seungkwan at kinuha ang kaniyang pagkain sa kamay ng kaniyang kaibigan. Hindi niya rin alam kung bakit siya natutulala nalang ng basta-basta.
Hindi rin siya nakatulog ng maayos kagabi. Dahil lang sa isang tao. Isang tao na pasulpot-sulpot nalang at guguluhin ang kaniyang isipan.
"Hoi. Spaced-out kana naman" sabi ni Seokmin at pinitik ang exposed na noo ni Seungkwan.
Youngest boo hissed in pain. He massaged his forehead, while glaring at his old friend.
"Si thomas kasi" sabi ni Seungkwan sa kaniya na may tono ng irita.
Kaagad na umayos ng upo si Seokmin. Well that's new for him... ibang tao na naman kasi ang bukambibig ng kaniyang obsessed na best friend.
"Anong meron sa kaniya?"tanong ni Seokmin sa kaniya Seungkwan.
Kinamot ni Seungkwan ang kaniyang ilong, halatang namomroblema kasi habit niyang kamutin ang kaniyang ilong kapag naguguluhan siya o hindi siya makapag-concentrate.
"Kagabi nagka-interaction kami, tapos ayun nauwi sa habulan" pagkwento ni Seungkwan sa kaniya.
Natawa si Seokmin. "Habulan ng feelings?" panunukso nito sa kaniyang kaibigan dahilan para siya'y umani ng masakit na sapak mula kay Seungkwan.
Nagreklamo si Seokmin dahil joke lang naman ito at hindi niya dapat seryosohin. Ngunit ibang kaso na kasi, matapos na...
matapos na umamin ni Thomas sa kaniya.
Although it wasn't a serious kind of confession, but seungkwan thought that IT IS still a confession.
"Tapos biglang dumating si Hansol" sabi ni Seungkwan na mas lalong nagpakuha ng atensyon ni Seokmin.
"Ang haba-haba ng putanginang buhok mo dai. Putulin na natin, abot na hanggang jeju eh" sabi ni Seokmin at nagsimulang maghanap ng gunting.
Seungkwan dragged him down, kaya napaupo ulit si Seokmin. "Tangina, patapusin mo kasi ako" sabi ni Seungkwan sa kaniya.
Naging maayos na ulit si Seokmin at muling nakinig sa kwento ng kaniyang kaibigan.
"Diba nga naghabulan kami ni Tren. Kaso bigla akong nadapa. Yung gago tinignan lang ako habang nakasalampak ako sa sahig" paghihinakit ni Seungkwan sa taong hinabol niya kagabi.
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfiction"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...