Aelius POV
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad kong nakita si Larkin na palapit sa akin. Mukhang kadadating lang din nito sa SAU.
"Hoy pre nakatulog ka ba?" Tanong agad nito sa akin ng makalapit. Naglalakad na kami papuntang SH Bldg.
"Oo naman bakit mo naman naitanong?"
"Ako kasi hindi e! Kasi naman di ko makalimutan yung ginawa ni transferee sa limang hypebeast kagabi!"
Actually di naman din agad ako nakatulog kagabi. Hindi din maalis sa isipan ko yung ginawa nyang pakikipaglaban kagabi.
"Feeling ko yung mga ginawa nyang combo kahapon nakita ko na kung san e! Lakas nyang manuntok at manipa pre!"
Yun din ang tingin ko kahapon habang pinapanuod ang ginagawa nitong pakikipaglaban. Yung bawat suntok at sipa nya parang napakapamilyar sa akin. Di ko lang maisip kung san ko na ba yun nakita.
"Bumilib ako sa kanya kagabi pre! Grabe, ang angas talaga nya!"
Hindi pa din ako nagcomment sa sinabi niya. Di naman ako bumilib sa ginawa nya. Sus, para yun. Kaya ko din naman yun gawin. Kahit di naman sya dumating dun kaya kong patumbahin ang mga hypebeast na yun.
"Kaya napapaisip ako pre e,"
Napatingin ako kay Larkin. Nakapasok na kami ng SH Bldg.
"Magagawa pa ba natin syang pagtripan kung ganun pala yun kagaling makipaglaban?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Goodmorning Larkin~~"
"Goodmorning girls,"
Nagkagulo na naman ang mga kababaihan habang papunta na kami sa classroom namin. Pero muli kong naalala yung huling sinabi ni Larkin.
'Paano ko nga ba pagtitripan ang bubwit na yun kung di pala naman sya basta basta..?'
Pumasok kami ni Larkin sa loob ng classroom. Ayun nagsimulang magpacute ang mga kaklase naming hindi lang babae pati na din mga bading. Pinansin sila nitong si Larkin pero hindi ako.
"Ano ngayon kung may ibubuga pala sya sa pakikipagsuntukan?" wika ko ng makaupo na ako.
"Tuloy pa rin?" umupo na din si Larkin sa tabi ko.
"Tss! Kanino ba ako umurong ha?"
Pagkasabi ko nun ay siyang pasok ni bubwit. Sa may front door sya pumasok. Pagpasok pa lang nya ay nagtama na agad ang mga mata namin. Naalis lang ang tingin nya saken ng tawagin siya ni Amity. Pagkaupo nya ay pinaligiran na agad sya ng ibang mga babae.
Naalala ko tuloy nung magkatinginan kami kagabi pagkatapos nyang iroundhouse kick si payat.
'Tss! Yabang!'
Naiinis ako kapag naaalala ko yun kasi naman di ko napigilang di kabahan nung akala ko ako naman ang susugurin nya.
Nakatingin lang ako sa pwesto nila. Nakasandal siya sa upuan habang walang tigil ang pagsasalita ni Amity. Halatang halata ang pagkagusto nya dito.
"Rain, ilang taon ka na?"
"Tagasan ka pala at sang school ka galing?"
"Bakit ka nagtransfer dito sa SAU?"
"May girlfriend ka na ba Rain?"
Sunod sunod ang tanong sa kanya ng mga kaklase naming babae.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...