Chapter 58

252 20 3
                                    

Aelius POV

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Rain. Mukhang napagod siya kakaiyak kaya naman nakatulog siya agad. Pinahid ko ang maliit na luhang nagsisimulang kumawala mula sa kanyang mata.

Naalala ko ang naging usapan namin kanina.


"Mamahalin mo pa din ba ako kahit na hindi ako karapat-dapat mahalin..?"

Sobrang lungkot ng mga mata niya ng tanungin niya yun sa akin. May nangyari ba sa kanya? Gusto kong siyang tanungin kung bakit bigla niya yung naitanong pero hindi ko magawa, nakatitig lang ako sa kanya.

"Hindi ako yung inaakala mong ako.. Malayong malayo ako sa mga taong nasa paligid mo.. Hindi nila ako katulad.. Isa akong.."

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya.

"Sshhh.. Wala akong pakielam kung hindi ka man nila katulad dahil minahal kita kung sino ka,"

Wala talaga akong pakielam kahit hindi siya katulad ng iba. Minahal ko siya sa kung sino siya..

"Hindi mo pa alam kung sino talaga ako.."

Pero kahit na hindi ko pa alam kung sino ka talaga, hindi nun mababago ang pagmamahal ko sayo..

"Kahit sino ka pa, mamahalin pa din kita!"

Hinawakan ko ang baba niya at inangat ang kanyang mukha para makita niyang totoo ang sinasabi ko. Gusto kong maalis ang pag-aalinlangan niya.

"Hindi ko pa man alam ang lahat ng tungkol sayo, wala akong pakielam basta ang alam ko, mahal na mahal kita.."

Sa wakas nasabi ko din sa kanya.. Rain, mahal na mahal kita.. yun ang mahalaga! Mahal na mahal kita..

"Kahit pa.. kailangan kong kumitil ng buhay..?"

Hindi ko inaasahan ang sunod nyang sinabi. Lalong lumungkot ang mga mata niya. I can see pain.. she is suffering..

Nalulungkot at nasasaktan akong makita siyang ganito.. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang bagay na yun pero..

Dahan-dahan ko siyang niyakap.

"Hindi ba ako pwedeng maging sapat na dahilan para hindi mo gawin ang bagay na yun?"

Rain..

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Umiiyak siya.. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yun.. kung anong rason niya para gawin ang bagay na yun..  pero sigurado ako sa isang bagay.. nasasaktan siya.. nahihirapan siya..

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Mamahalin kita araw-araw Rain.. hanggang maging sapat mo akong dahilan.. At hinding-hindi ko hahayaang makagawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo habambuhay.."

Hindi ko hahayaan na makagawa ka ng bagay na alam kong pagsisisihan mo.. Bagay na alam kong hindi mo gustong gawin.. Andito lang ako Rain.. Andito lang ako para sayo..

"Andito lang ako.. At pinapangako ko sayo na kahit anong mangyari, hinding-hindi kita pababayaan.."

Hindi ka nag-iisa.. Kasama mo ako..

Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. Nasasaktan ako sa pag-iyak niya.. para bang may napakabigat na bagay siyang matagal na niyang mag-isang dinadala.. na para bang ang tagal na niyang nahihirapan at ngayon lang siya nakahanap ng taong masasandalan niya..


TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon