Aelius POV
Kasalukuyan akong nakasandal sa may headboard ng kama ko habang nakatitig sa bukas na tv. Hindi ko naman maintindihan ang palabas dahil wala dun ang atensyon ko kundi sa nangyari sa amin kanina ni bubwit.
Flashback
"Andun si Velasquez at tinutukan nila ng kutsilyo. Panigurado kong isang maling kilos ko lang kanina, ikapapahamak niya.." Seryoso niyang wika.
Natigilan ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Naiinis ako sa kanya dahil hinayaan niyang ganunin siya ni Domingo pero.. may rason pala sya kung bakit hindi niya pinatulan yun.
"F*uck!" Mahina kong mura.
Tumagilid ako. Hinawakan ko ang sintido ko at hinilot hilot iyon habang nakapameywang naman ang isa kong kamay. Nananakit na ang ulo ko. Nakailang-segundo din akong nasa ganung posisyon. Pagkatapos ay salubong ang kilay na lumapit ako sa mga damit ko. Naghanap kung anong pwedeng ibigay sa kanya para makapagpalit na siya. Nang makakita ako ng tshirt ay humarap ako sa kanya.
"Ayan, isuot mo! Next time tadtaran mo ulit ng dugo ha??" Sarcastic kong wika sa kanya.
Hindi naman niya kinukuha ang inaabot ko sa kanya. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"What?? Titingnan mo na lang ako?! Kung kinukuha mo na 'to nang makapagpalit ka na!"
Tumingin siya sa hawak kong tshirt pagkatapos ay muling tumingin sa akin. Yung tingin niya ay parang nagtataka siya.
"Ano!? Bilis!! Kanina pa akong bwisit na bwisit dyan sa itsura mo!! Akala mo pinagsasaksak ka dyan e! Kulang na lang humiga ka sa daan tapos pumikit ka dun at pwede ka nang pagkamalang murder victim!!" Sigaw ko.
Nakita ko siyang napabuntong-hininga matapos kong sabihin yun pagkatapos tumingin na naman siya ng diretso sa akin.
"Hindi pa ba tapos ang galit mo?" Mahinahon niyang wika.
"Ha??" Hindi ko nagets ang ibig niyang sabihin.
"Akala ko kasi tapos ka na magalit nung tumahimik ka tapos ngayon parang galit ka na naman? Tss!" at kinuha niya yung tshirt.
Hindi nakakunot ang noo niya. Hindi din siya nakasimangot.
"Sino bang hindi magagalit sa nangyari sayo ha!? Tsaka dyan sa itsura mo! Kapag nakikita kitang ganyan naaalala ko lang kung anong ginawa ng gagong Domingo na yun sayo!!" Dire-diretso ko na namang sigaw sa kanya.
"E bakit ba kelangan mong magalit ha?" Kalmado pa din siya.
"Dahil sinaktan ka nga nang gagong yun malamang magalit ako!?!" Sigaw ko sa mukha niya.
Nanatiling walang reaksyon ang mukha niya.
"Teka nga! Teka nga!" Medyo itinulak niya ako sa balikat pero mahina lang naman yun.
"Nalilito na ako sa inaasta mo! Hindi ko na maintindihan kung san nanggagaling yang galit mo?" at nangunot na yung noo niya.
"Kanina nagagalit ka dahil hindi ko pinatulan yung Domingo na yun na ang dating sa akin parang kinukwestyon mo ang kakayanan ko bilang bodyguard mo. Akala ko naintindihan mo na nung inexplain ko sayo na kaya lang naman nga nangyari yun kasi may masasaktang iba! Tapos eto nagagalit ka na naman dahil ano? Sinaktan ako ng gagong yun??" Hindi ako nakapagsalita nang dire-diretso naman niya yung sinabi sa akin. Nanatiling nakakunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...