A/N: Sorry may pa AN na naman ako dito! Hahahah. Naiga ang utak ko sa chapter na ito. Huhuhuhu! Sana maimagine nyo mga pinagsusulat ko sa chapter na ito! Alam kong kayang kaya nyo naman maimagine yan kasi malalawak imaginations nyo hahahah. Sorry in advance kung medyo may pilit or korni. Yan lang ang nakayanan ko! Hehehe. Sana maenjoy nyo~ ♥(ˆ⌣ˆԅ)
PS. Sorry din sa ginamit kong media. Sarap lang magimagine tapos may bg music. Yung kanta ay galing sa anime na Dodoro. Hahahaha.
~~~~~~~~~~~
Normal POV
"I WILL KILL YOU, HATTORI SANZO!?!!!"
Mabilis na sumugod si Rain kay Hattori.
'Papatayin kita! Sisiguraduhin kong ikaw ang unang mamamatay sa mga kamay ko!!'
Nakatingin lamang si Hattori kay Rain habang papasugod ito sa kanya. Nakangiti lamang siya dito habang kitang kita niya ang matinding galit sa mga mata nito.
Tumigil si Rain dahil biglang sumulpot sa harapan niya si Karasu. Nagclash ang kanilang mga katana.
Ibang-iba si Rain ngayon, nawala ang composure niya. Nagngagalit ang kanyang mga ngipin habang masama ang pagkakatingin kay Karasu.
Seryoso lang namang nakatingin si Karasu kay Rain habang pinipigilan nito ang katana ni Rain.
"What's wrong, Nagame? Masyado ka naman atang emosyonal ngayon?"
"Kung ayaw mong mamatay, umalis ka sa harapan ko!"
Ngumisi si Karasu.
"Be calm, Nagame."
Karasu step forward as he pushes his katana to Rain. He wields his katana swiftly. Sinasalag lamang ni Rain ang bawat atake ni Karasu. Si Rain naman ang umatake. She waved his katana in front of him but Karasu only evade her attack at the same time slashed the right side of her abdomen.
Nahawakan ni Rain ang natamo niyang sugat. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang katana. Muli siyang sumugod. Muling naglaban ang bawat talim ng kanilang mga katana. Mas lalong bumilis ang kanilang mga kilos. Ilang salag at ilag ang ginagawa nila upang hindi makatama ang isa sa kanila.
Nagslide si Rain upang mailagan ang malaking atake na ginawa ni Karasu. Agad siyang tumayo at sumugod. Ngunit nakahanda naman si Karasu kaya nasalag lang nya ulit ang atake ni Rain.
Humihingal na lumayo sila sa isa't isa.
Muling ngumisi si Karasu.
"Mukhang kinakalawang ka na ata ngayon Nagame? Dahil ba mas naeenjoy mo na ang buhay ng mga normal na tao?"
Hindi nagsalita si Rain. Matiim lamang siyang nakatingin dito. Iniisip niya kung anong mga atake ang pwede niyang gawin para matalo si Karasu. Aaminin niya na malaki ang iginaling nito sa pakikipaglaban. Kayang kaya siya nitong tapatan. Hindi lamang sa bilis kundi maging sa lakas.
"Ipapakita ko sa lahat na hindi ka karapat-dapat pumalit kay Lord Hattori.."
Tumakbo palapit si Karasu kay Rain. Mabilis niyang winasiwas dito ang hawak na katana. Walang nagawa si Rain ng sa huling atake nito ay napatalsik ni Karasu ang kanyang katana. Ilang beses siyang nagblack flip upang mabilis na makalayo kay Karasu.
"Because Hattori Clan is mine..!"
Si Karasu na naman ang tumakbo pasugod kay Rain. Dahil wala ng hawak si Rain na katana ay tanging ilag lamang ang nagagawa niya. Parang slowmo na masslash ni Karasu ang leeg ni Rain ngunit pinigilan lamang ito ni Rain gamit ang kanyang kaliwang kamay.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...