Eli POV
Nagsindi ako ng sigarilyo. Habang humihithit nun ay nakatingin ako sa sasakyan na kinukumpuni ko. Magkasalubong ang mga kilay ko dahil hindi dumating si Glenn, yung katu-katulong ko dito. Mag-isa ko tuloy tinatapos itong sasakyan na ito.
Nagbuga ako ng usok. Nakatitig pa din sa sasakyan.
"Panget,"
Dahil nakafocus ako sa sasakyan ay hindi ko namalayan ang pagdating ni tukmol. Agad kong pinatay ang yosi at inilagay sa portable ashtray ko.
"Anong ginagawa mo dito?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
Ngayon ko na lang ulit ito nakita matapos naming mag-usap sa may park. Kelan ba yun? Parang isang linggo na ang nakakaraan. Naalala ko na naman tuloy yung ginawa niyang pagyakap sa akin.
'Tss!'
"Hoy! Hindi kita binibisita kung yun ang iniisip mo!!" dinuro pa ako ni tukmol.
"Wag ka ngang assuming dyan,"
Tinamaan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi mapigilan na mag-assume kapag nakikita ko siya. Naiisip ko pa din na baka may gusto talaga ito sa akin.
Nagkibit-balikat ako sa kanya. Muli kong niremind ang sarili ko na wag maging assuming. Ilang beses na nyang sinabi sa akin na wala naman siyang gusto sa akin at imposibleng mangyari yun.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit meron sa puso ko na nasasaktan kapag sinasabi niya yun.
"E bakit ka narito?"
Ngumiti si tukmol. Nakakaasar talaga yung mukha niya.
"May ipapaayos ako sayo," naglakad siya palabas ng talyer. Sumunod naman ako at nakita ko yung sasakyan niyang may bangas.
Yupi yung bumper ng sasakyan niya at basag ang kaliwang headlight. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko ng bigla akong kabahan. Tumingin ako sa kanya at mabilis na lumapit. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Nagtaka pa siya ng pinaikot ko siya.
"Ayos ka lang??" Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Ngayon lang ata ako kinabahan ng makakita ng sirang sasakyan.
Nakatingin lang naman siya sa akin at nagtataka.
"Oo.. ayos lang ako,"
"Tanga ka ba?? Bakit ka naaksidente?? Kelan yan nangyari?? Nagpunta ka na bang ospital??" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya sa halip ay nawala yung pagtataka niya at ngumiti siya. Nakangiti lang siya sa akin. Sa sobrang lapit ko sa kanya, mas nakikita ko tuloy kung gano nakakaasar yung pagmumukha niya kapag ngumingiti siya.
Nakakaasar kasi sobrang gwapo niya.
Lumayo ako sa kanya at tumingin na lang sa sasakyan niya.
'Ang bobo mo Eli! Baka mag-isip pa yan ng kung ano ano sa pagtatanong mo!' Pinagalitan ko ang aking sarili.
"Nung isang gabi pa ako naaksidente," sagot niya. Gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Ang tanga mo namang magdrive!"
Tumawa siya sa sinabi ko. Sa sasakyan pa din niya nakatuon ang paningin ko.
"Nakainom kasi ako nung isang gabi e tapos bigla na lamang may tumawid na aso. Nung inilagan ko siya, ayun tumama ako sa puno!"
'Tss! Tanga nga!'
"Nasugatan ka?" Hindi ko mapigilang tanungin yun.
"Hindi! Nabukulan lang, heheheh!"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
أدب المراهقينSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...