Chapter 113

318 24 5
                                    

Aelius POV

Eight-months na din ako dito sa Japan pero hanggang ngayon nagaadjust pa din ako. Ang dami ko kasi dapat matutunan. Ang dami kong dapat malaman tungkol sa bansang ito at sa Imperial Family tsaka kung paano ba maging isang prinsipe.

Masaya naman siya kaso nakakapagod.

Masaya kasi nakilala ko yung mga totoong pamilya ko. Hindi ko man na nakilala ang parents ko at least yung grandfather and grandmother ko nameet ko pa din. At sobrang saya nila ng makilala ako. Akala ko wala na akong kamag-anak kasi sabi ni Hattori noon, kapag namatay na ako, babagsak na ang Imperial Family. Kaya lang pala niya nasabi yun kasi, wala ng magiging successor. Ibang pamilya na ang magiging successor kung nawala na nga ako.

Bago ako pumunta dito sa Japan, tinulungan muna ako nila Mommy at Daddy na malaman kung sino ba ang naging kasabwat ni Hattori upang pabagsakin ang Imperial Family. Kumalap muna kami ng napakadaming ebidensya upang wala silang kawala.

Naging successful naman kami at nagawa naming ipakulong ang taong nasa likod ng pagpatay sa mga magulang ko. Siya ang head ng family na papalit sana kapag bumaba si Sufo (Lolo) sa pagiging Hari. Ibinalik kasi sa kanya ang trono ng mamamatay ang Otousan (Father) ko noon.

Kaya naman, sobrang busy ko talaga ngayon dahil sinisugurado ni Sufo na matututunan ko ang lahat. Balak na kasi niyang bumaba sa trono. Masyado na daw siyang matanda at gusto na niyang magpahinga. At iyon ang mahirap at nakakapagod na part. Pinupursige talaga nila ako araw-araw. Wala na nga akong pahinga e. Wala na akong time para sa sarili ko. Ni hindi ko na din nakakausap sila Mommy, Daddy at Axel.

'Hayyy.. miss na miss ko na sila..'

"Akihiko-sama," Ako yan. Yan ang tunay kong pangalan.

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi nga lang pala grandparents ko ang nakilala ko ng pumunta ako dito sa Japan kundi pati ang Ane-ue (Ate) ko. Chieko ang pangalan niya. Half-sister ko lang sya kasi iba yung Okaasan (Mother) niya pero wala na din kasi namatay ito ng ipanganak siya.

"Aneki,"

Nagtight lip siya ng tawagin ko siyang ganun. Informal way kasi yun sa pagtawag ng ate at ayaw nyang tinatawag ko siyang ganun kasi nga kabilang kami sa Imperial Family.

(A/N: Magtaglish na lang ako dito ha? Hirap magnihonggo e baka magkamali-mali pa ako. Hahaha.)

"Stop calling me that, Akihiko-sama." Seryosong wika niya sa akin.

Medyo sinimangutan ko naman siya.

"Bakit ba? E ate naman kita,"

Tiningnan niya ako pero siya din agad ang sumuko. Seryoso man siya pero wala siyang magagawa sa akin. Hehehe.

Ilang buwan pa lang kami nagkakasamang dalawa, naramdaman ko na mahal niya ako at tanggap niya ako bilang kapatid niya. Kahit pa nga sinusungitan niya ako madalas. Isa kasi siya sa nagtuturo sa akin.

"Tss!" Inirapan niya ako.

"Bakit ba?" Tinanong ko na lang siya para hindi na siya mainis sa akin.

"Are you done here?" Tiningnan niya ang mga libro at ibang gamit ko sa harapan ko. Kasalukuyan kasi akong nasa library. First year college na nga pala ako dito sa University of Tokyo. Tapos si Aneki naman ay fourth-year na.

"Nope! Dami ko pang dapat aralin," Napabuntong-hininga ako. Buti na lang talaga matalino ako, nakakaya ko ang lahat ng mga pinag-aaralan ko.

"Ganun ba? Magbreak ka muna! May kelangan tayong puntahan,"

Nangunot ang noo ko.

"Saan naman?"

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon