Chapter 67

254 27 11
                                    

Rain POV

"Anong nangyari sayo at parang puyat na puyat ka?" tanong ni Larkin kay Aelius.

Andito na kami sa outdoor court. Malapit ng magsimula ang laban nila for championship. Grade 9 ang kalaban nila. Kahit lower level, matatangkad ang mga ito at talagang may maibubuga.

Humikab si Aelius kesa sagutin si Larkin.

"Tss! Siguraduhin mo lang na walang magmimintis sa tira mo mamaya ha??"

Para namang dejavu yung sinabi niya. Tumango-tango lang si Aelius tapos humikab na naman siya. Halata talaga sa kanyang kulang siya sa tulog. Nanlalalim pa eyebags niya.

Heppp!! Uunahan ko na kayo, WALA KAMING GINAWA KAGABI! Hindi ako defensive! Tss! Para alam nyo lang. Hindi ko lang din alam kung bakit puyat yan, namahay siya siguro? Hindi sanay matulog sa ganung klaseng kama.

Ako naman, ang sarap ng tulog ko. Hehehe. Pinaunan niya saken yung braso niya tapos siya yung gumamit ng binili niyang unan para sa akin. Mas gusto daw niya yun e. Pinagbigyan ko na. Tapos siguro five minutes tulog na ako. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya.

"Ayos ka lang araw? Kaya mong maglaro?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako at ngumiti siya.

"Ayos lang ako syempre! Medyo inaantok lang ako pero kaya kong maglaro,"

"Bakit kasi puyat ka? Hindi ka ba nakatulog kagabi?"

Tinitigan niya muna ako tapos saka siya ulit ngumiti. Iba yung ngiti niya parang nakakaloko.

Lumapit siya at bumulong sa akin.

"Hindi mo kasi ako pinatulog kagabi," para namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa pagbulong nya sa akin.

"O-oy araw! Anong sinasabi mo dyan? Wala akong ginawa sayo kagabi ah," mahina din yung boses ko. Nahihiya kasi ako.

Bigla siyang nalungkot.

"Yun na nga e wala kang ginawa! Tinulugan mo ako! Daya mo nga e, ang sarap ng tulog mo tapos ako ayun, di makatulog!"

"E ikaw lang naman mapilit! Sinabi ko naman sayo na hindi kumportable sa bahay ko, gustong gusto mo dun matulog," magkasalubong na ang kilay ko. Sinisisi pa kasi ako. Siya naman nagpumilit matulog dun.

"E hindi naman yun ang ibig kong sabihin," abnormal talaga 'to. Ang bilis magchange ng emotions. Nakanguso naman siya ngayon.

"E ano ba??"

Muli siyang bumulong saken.

"Nahirapan akong matulog kasi pinipigilan ko ang sarili kong may magawa sayo.. ang hirap kayang magpigil na halikan ka! Hihihi,"

Automatic sumayad ang kamao ko sa sikmura niya.

Umubo-ubo siya. Napalakas ata ang suntok ko kaso kasalanan naman niya e. Kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.

Tumayo na siya na nakangiwi pa din. Malakas nga ata ang ginawa ko.

Pero bago siya pumunta sa gitna ng court, hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.

"Pag nagchampion kami, dapat may premyo ako galing sayo ah!" nakangiti na niyang wika.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Panigurado namang magchachampion kayo! Tss!"

"O sige, kapag naka50 points ako, bibigyan mo ako ng kiss ha?"

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon