Rain POV
Hindi ko kasama ngayon ang araw ko. Sobrang busy nya nitong mga nakaraang araw. Pag may breaktime at lunchtime, lagi siyang nasa opisina ni Dean. May inaasikaso daw kasi sila tungkol sa school e. Kaya eto mag-isa ako. Hindi muna ako sumama kila Amity. Nabibingi ako sa kanilang dalawa ni Archgirl. Madaldal din pala iyon at may mga kabaliwan ding taglay.
Naglalakad-lakad lang ako ng makarinig ako ng tunog ng cello. Tumigil ako at napatingin sa building na pinanggagalingan nun. Malungkot ang musika pero maganda sa pandinig. Para pating tinatawag ako nito.
Naglakad-lakad ako at hinanap kung saan nanggagaling ang musika na iyon. Hanggang sa may makita akong nakabukas na bintana. Habang papalapit dito ay lumalakas ang musika sa aking pandinig. Hanggang makalapit ako sa bukas na bintana at nakita ko kung sino ang tumutugtog ng cello.
Si Sebastian Archdeacon.
Nag-iisa siya dun sa loob ng kwarto. Nakapikit habang payapang tumutugtog ng cello. Payapa man yung mukha nita pero napakalungkot talaga ng musikang tinutugtog niya.
Hindi ko na nagawang umalis doon at pinakinggan na lamang ang kayang pagtugtog.
"Onee-san!!" tuwang-tuwa si Hiroki habang asa may ilog siya. Kumakaway pa siya sa akin.
Kinawayan ko lang din siya at nanatili akong nakaupo sa may kahoy.
Masaya na akong makita syang masaya. Ngayon na lang ulit kami nakalabas. Buti na lamang pinayagan kami ni Hattori-dono na makalabas ng palasyo.
"Waaaa!! Nagame, tingnan mo o! Nakahuli ako ng malaking isda!!" kay Kamin naman ako napatangin. May nakatusok na malaking isda sa kanyang sibat.
"Tangina, ang laki o!!" proud na proud syang itinaas ang kanyang nahuli.
"Woww! Ang galing mo, Kamin-neechan!!" nasa tabi na agad ni Kamin si Hiroki.
"Meron na tayong hapunan!"
Lumapit sila sa aking dalawa. Tinanggal ni Kamin sa sibat nya ang malaking isda. Mukha itong masarap.
"Magaling ba ako, Hiroki??" nakangiting tanong ni Kamin.
Tumango-tango naman ang bata.
"Yoshaaa! Manghuli pa tayo para madami tayong makain pamayang hapunan!"
"Onee-san, sumali ka po sa amin ni Kamin-neechan," hinila-hila pa niya ang manggas ng damit ko.
Tumango naman ako kaya lalong lumawak ang ngiti niya.
Sabay-sabay kaming pumunta sa ilog. Masaya ang dalawang nanghuli ng isda habang ako naman ay tahimik lamang. Masaya din naman ako pero wala e tinatamad akong ngumiti. Nakakangalay lang naman sa mukha ang ngumiti.
Malapit ng magtakip-silim ng matapos kami sa panghuhuli. Napakadami ng naging huli namin. Iniisip pa lang namin na magiging masarap ang aming hapunan ng dumating ang aming mga senpai.
"Wow! Anong dami naman ng mga nahuli nyong isda??"
Wala ni isa sa aming tatlo ang makapagsalita. Lahat kami ay nakatungo sa harapan nila.
"Hindi naman siguro sasama ang loob nyo kapag kinuha namin ang mga ito di ba?"
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Kamin. Alam kong hindi ayos sa kanya ang balak nilang gawin.
"Bakit ka pa ba nagtatanong sa mga yan? Syempre ayos lang sa mga yan no? Tara na, Karasu! Para naman maihaw na natin ang mga yan,"
Kinuha nila ang lahat ng isda at kahit isa ay wala man lang silang itinira sa amin.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...