Chapter 69

282 24 17
                                    

Amity POV

Bumalik na ulit sa regular classes ang SAU. Naging successful naman ang Intramurals at ang pinaghahandaan na nila ngayon ay Interhigh. Kung saan iba't ibang school na ang magkakalaban.

Pero di ko pa din malimutan ang ginawa ng beshie ko sa bruhang si Lucienne. She deserved those slaps. Kung nakalapit agad ako sa kanila, sasabunutan ko pa yung babaeng yun e. Pero sobrang proud talaga ako sa beshie ko! Finally, nilabanan na din niya mga ganung uri ng tao.

Nawala na din sa wakas ang mga nagpupumilit kay Blaze at Lucienne. Nasampal din sila sa katotohanan na sila Blaze at Rain naman talaga. Na walang makakapagitan sa dalawa.

Tapos ang masaya pa nito, nawala na din si Lucienne. Hahaha. Sorry na if I'm a meanie! Natuwa lang talaga ako ng malamang pumunta itong ibang bansa. Wala naman kasi siyang laban sa beshie ko.

"Class, may gusto akong sabihin sa inyo!" wika ni Mr. Buencamino. Sya yung teacher namin after lunch. Nasa afternoon class na kami.

Tumahimik naman ang buong klase.

"Meron tayong mga exchange students ngayon,"

Exchange students? Talaga? Pero malapit na matapos ang first sem e. Parang masyado namang late ang pagpasok nila.

"Class, be quiet!"

Nagsimula kasing mag-ingay ang buong klase. Umalis nga si Lucienne pero may kapalit naman din siya. Sino kaya yun o sila?

"Sana mabait sila beshie.. sana hindi katulad ni Lucienne na atribida," bulong ko sa katabi ko.

"Ssshh!" wika nya habang may binabasa sa notes niya.

Nagmake-face lang naman ako sa kanya.

Seryoso masyado sa pag-aaral. Malapit na kasi final exams namin kaya ganan yan. Masyadong competitive. Pusta! Di nyan narinig na magkakaron kami ng exchange students.

Pumalakpak si Sir para tumahimik ng tuluyan mga kaklase ko. Effective naman. Lumapit na siya sa pinto at binuksan iyon.

Natigilan naman ako ng pumasok ang dalawang tao. Isang babae at isang lalake. Kapansin-pansin yung itsura nila. Halata kasing may lahi sila. Alam nyo yung mga datingan nila parang sa mga prince and princess? Parang ganun yung aurahan nila.

Parehas na color ash blonde yung hair nila. Ang ganda ng pagkakakulot sa buhok nung babae, yung soft waves lang. Tapos dun sa lalake naman medyo long hair tapos nakatali. Don't worry para maimagine nyo, bibigyan kayo ni Author ng image. Hahahah. (A/N: Sabi ko nga, Amity..)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon