Rain POV
Hindi naman na ulit lumapit sa akin si Ocampo. Hindi ko din nakikita na lumalapit siya kay Aelius. Hindi na ulit naulit ang pagsabay niya sa amin maglunch. Pero magkaganunman, lagi pa din siyang nakangiti sa akin. Tsaka mukhang mabait naman siya kasi lagi siyang pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin. Kumbaga para siyang naging ball of sunshine ng klase namin.
Sikat nga pala talaga siya dito sa buong SAU. Kahit saan ata ako magpunta, siya ang pinag-uusapan at hindi lang pala klase namin ang natutuwa sa kanya kundi maging lahat ata ng mga estudyante dito.
Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sanang restroom ng may marinig akong usapan. Ayoko sanang makinig kaso narinig ko ang pangalan ni Aelius at ng Ocampo na yun.
"Totoo ba ang sinabi mo magfiance sila Lucienne at Fontanilla?"
"Oo! Hindi nyo ba yun nabalitaan noon?"
"Hindi e,"
"Sabagay bigla na lang kasing umalis si Lucienne noon.. at ngayon nga nagbalik na siya, ibig sabihin matutuloy na yun!"
"Pero di ba nanliligaw si Fontanilla kay Rain? Saksi pa nga tayo sa proposal nya e,"
"Ayun nga ang juicy na balita e, ano ng mangyayari ngayong dumating na yung tunay na nagmamay-ari pala kay Fontanilla.."
"Omg! Ibig sabihin, kawawa si Rain.."
"Bakit naman siya kawawa? Baka si Lucienne pa kasi siya naman yung original di ba?"
Hindi na ako tumuloy sa restroom.
Sa sobrang popular ng Ocampo na yun, kahit saan talaga naririnig ko ang pangalan niya.
'Fiance?'
Aaminin kong may kirot sa puso ko habang pinapakinggan ko sila pero mas nananaig pa din yung nararamdaman ko para kay Aelius. Wala akong pakielam kung totoo man yun. Matapos tapos ko lang ang misyon ko, ipapaalam ko sa buong mundo na sa akin lang si Aelius Blaze Fontanilla.
Nagkaklase na kami at may pagroup activity si Sir. Akala ko kami na naman ang magiging partner ni Aelius dahil yun naman talaga ang palaging nangyayari pero iba ngayon. Walang emosyong nakatingin ako sa nakapartner ko kaya naman hindi siya makatingin sa akin. Kinakabahan ata. Sinulyapan ko sila Aelius at Ocampo.
Ang ganda ng ngiti ni Ocampo habang wala ding emosyon ang mukha ni Aelius.
'Tss!'
Naiinis ako. Ako dapat ang kapartner niya e.
Buong activity ay badtrip ako. Kaya naman yung partner ko ang nagadjust, hindi na lang niya ako kinakausap at siya na lang ang gumawa ng activity. Lagi akong napapasulyap sa gawi nung dalawa. Wala namang ginagawang kakaiba si Ocampo, seryoso ito sa pinapagawang activity. Ganun din si Aelius.
Nadagdagan ang pagkabadtrip ko sa PE Class namin.
Naglalaro kami ng Volleyball. Nagkaroon ng match sa klase namin. Magkakahalo ang mga babae at lalake. Hindi ko kakampi si Aelius. Kalaban ko siya at kakampi niya yung Ocampo na naman na yun. Nasa team din nila si Larkin. Hindi naman naglalaro si Amity dahil sa susunod siyang game. Pinapanuod lang nila kaming maglaro.
Mukhang magaling magvolleyball ang Ocampo na ito. Hindi naman ako papatalo. Kahit ano pang sports pagawa mo sa akin, lahat yun kaya kong gawin. At hindi lang kaya, nageexcel pa ako dito.
"Go beshie!!" pagchicheer ni Amity sa gilid.
Nagserve na ang kakampi at naibalik naman ito ng kabilang team sa amin. Hindi naman papahuli ang mga teammates ko. Nagtoss ang kakampi ko at nakita ko ang pagkakataon na yun, mabilis akong tumakbo sa direksyon kung saan niya iyon tinoss at mataas akong tumalon. Malakas kong pinalo ang bola sa ere. Tinry pang iblock iyon nila Aelius at Larkin pero hindi nila iyon nablock at lumusot lamang sa kanila ang bola.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...