Chapter 114

585 35 17
                                    

A/N: Shemay.. naiiyak ako.. enjoy the last chapter guys!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Rain POV

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok sa aking kwarto. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa tenga ko. Gusto ko pang matulog. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi.

Pero mukhang walang balak tumigil ang sino mang nasa labas dahil patuloy lang ito sa pagkatok. Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako makakatulog nito.

Inis akong bumangon at inaantok pa ding lumapit sa pintuan. Pinagbuksan ko na ang taong agang aga ay iniistorbo ang pagtulog ko.

"Goodmorning love!"

Automatic na nawala ang antok at inis ko ng makita si Aelius. Nakangiti ito sa akin na para na namang nagliliwanag sa harapan ko.

Dun ko naalala na andito nga pala ako sa Imperial House.

"A-araw, ikaw pala!"

"Naistorbo ba kita sa pagtulog mo, Ulan?"

Mabilis akong umiling.

"Hindi! Ayos lang, kagigising ko lang din naman!" Ngumiti ako sa kanya. Nakakahawa kasi yung mga ngiti niya e.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya agad ako. Para namang kinikiliti ang puso ko sa ginawa niya. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"Sobrang miss ko ng matulog katabi mo kaso hindi naman pumayag sila Daddy kagabi na magtabi tayo sa pagtulog! Saka na daw pag ikinasal tayo,"

Nangingiti ako sa sinasabi niya. Naalala ko din yung itsura niya kagabi nung hindi siya payagan na sa kwarto niya ako matulog.

Tumingin siya sa akin habang nakayakap pa din.

"E wala naman akong gagawin sayo e! Matutulog lang tayo! Katulad lang ng dati di ba? Ewan ko ba sa kanila bakit hindi tayo pinayagan kagabi! Tss!" Pagrereklamo niya. Hindi pa din talaga siya makamove on.

"Agang aga nagrereklamo ka dyan," wika ko.

Ngumuso naman siya. Namiss ko yung pagnguso niya ng ganito. Namiss ko yung makapal niyang labi.

"E kasi naman e.."

Nanatili pa din siyang nakanguso kaya naman tumingkayad ako at mabilis ko siyang kiniss. Nagulat naman siya pero agad ding nagkaron ng pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

"Ulan ha? Agang aga nagnanakaw ka ng kiss,"

Ngumiti ako lalo sa kanya.

"Nakanguso kasi yang makapal mong lips e,"

"Ah.. makapal pala? Gusto mong matikman pa ang makapal kong lips?" Tumaas-taas pa ang kilay nito.

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya. Tsaka gusto ko din naman kasi. Hehehe.

Tumango ako habang pinipigilan kong ngumiti pa lalo. Para namang kumislap ang kanyang mga mata.

"Tara sa loob," bulong nya sa tenga ko. Nagtayuan naman ang mga balahibo ko sa ginawa niya.

Papasok na sana kami sa kwarto ng biglang dumating si Tatay.

"Aelius! Rain!"

Bigla naman kaming kinabahan kasi iba yung tono ng boses nito.

"Tatay!"

"Dad!"

Sabay naming sambit at agad na naghiwalay.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon