Chapter 74

212 22 2
                                    

A/N: Try nyo pong pakinggan yung multimedia sa part ng POV ni Amity. Courage by I Belong to the Zoo. Enjoy reading guys! (*^∀゚)ъ

~~~~~~~~~~~~~~

Rain POV

Nag-aabang na lang ako kay Amity dito sa may entrance ng Game Center. Isasabay na lang daw kasi niya ako papunta sa Wilcoln. Dadalhin ko sana si Shiver kaso mas gusto din ni Aelius na kay Amity ako sumabay.

"Hoy lutang!"

Nilingon ko yung nagsalita. Si spoiled brat.

Hindi ko siya pinansin at muling binalik ang paningin sa unahan ko.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ko pa din siya nilingon.

"Bakit ka andyan?" tanong nito sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot. Wala ako sa mood kausapin ang isang ito.

"Hoy! Kinakausap kita! Bingi ka ba?" Pumunta siya sa harapan ko. Kahit na mas bata siya sa akin, mas matangkad naman siya kaya medyo tumingala ako sa kanya.

"May kailangan ka ba?" tinatamad kong tanong sa kanya.

Nagsalubong ang kilay nito.

"Sayo may kailangan ako?? Wala no! Ano namang kakailanganin ko sayo??"

"E bakit ka andyan at kinakausap mo ako, kung wala kang kailangan saken?" Mukhang may saltik din ata ang batang ito ah.

Hindi naman siya agad nakapagsalita pero agad din siyang nakabawi.

"Pag ba kinausap kita, ibig sabihin may kailangan na ako sayo? Hindi ba pwedeng trip ko lang na kausapin ka?"

Tiningnan ko siya ng walang kagana-gana.

"Kaya sagutin mo na lang ang tanong ko, bakit andito ka?"

Napakamot ako sa may leeg ko. Spoiled brat talaga.

"Hinihintay ko ang kaibigan ko,"

Akala ko pag sinagot ko siya, aalis na siya at di na ako kukulitin pero nagkamali ako.

"Sino namang kaibigan? Yun bang kasama mo sa parking lot nung isang araw? Yung lalakeng masama kung makatingin?"

Inalis ko na ang paningin sa kanya.

Kilala ko kung sinong sinasabi nito pero sa pagkakatanda ko, siya yung masama makatingin ng araw na yun.

Hindi ko sinagot ang tinanong nya.

"Hoy! Siya ba? Kaibigan mo lang naman yung lalakeng yun di ba?"

Bakit kaya parang interesado sya kay araw? Tss. Kulit naman ng batang ito e.

"Boyfriend ko yun,"

"Haaaa?? May boyfriend ka?? Ikaw??"

Tiningnan ko tuloy siya sa naging reaksyon niya.

"Problema mo?"

Bigla siyang tumawa. Hindi ko alam kung bakit sya tumatawa.

"Hahaha! Akalain mong may boyfriend ka pala?? Sa lutang mo na yan? May pumatol sayo??"

Aba.. nilalait ba ako ng batang 'to?? Walang galang talaga.

"Hoy bata,"

Tumigil siya sa pagtawa at kunot-noong tumingin sa akin.

"Nakakalimutan mo atang senior mo ako? Umalis ka na dyan habang nakakapagtimpi pa ako sayo,"

"Senior?? E isang taon lang naman tanda mo saken!" malakas na sabi niya.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon