Rain POV
Nagsimula na ang laro. Kaya naman ginawa ko na yung super request sa akin ni Aelius.
"Go Aelius!!"
Wala pang masyadong nagsisigawan kaya naman rinig na rinig yung sigaw ko. Pakiramdam ko tuloy lahat ng taong naroroon tumingin sa akin.
Nakita kong ngumiti si Aelius ng pagkalaki-laki. Yung parang batang nakatanggap ng pinakakaasam na regalo.
"Ayun o! Panalo na kami nito!" sigaw pa ni Larkin.
Sumigaw din yung tatlo nilang kakampi at nagsigawan na ang buong Grade 12.
"G12! G12! G12!" Dumagundong ang pagchicheer sa G12. Mukhang madaming fans ang G12. Pero hindi naman papatalo ang mga G11 at nagcheer na din sila.
Si Aelius ang may dala ng bola. Nagdridribble siya habang nagmamando sa mga kakampi niya. Parang siya yung Captain, e si Bernard naman yung Captain.
Nagsimula ng tumakbo si Aelius habang nagdidribble. Sigawan ang mga fan girls niya.
"Aelius!!!" Hindi naman ako papatalo. Dapat marinig ni Aelius ang boses ko para ganahan siya sa paglalaro.
"Go G12!!!" sigaw naman ni Amity sa tabi ko.
Ipinasa ni Aelius kay Bernard ang bola at mabilis niyang pinasa kay Larkin tapos hindi na siya nagdribble at diretso niyang pinasa kay Aelius. Hilo naman ang kalaban nila dahil sa bilis nilang magpasahan ng bola.
Pagkakuha ni Aelius ng bola ay ishinoot agad niya ito.
"3 points!"
Nagsigawan ang mga G12. Unang puntos pa lang pero kagulo na ang mga manunuod.
Tumingin sa akin si Aelius tapos tinuro pa niya ako at kumindat. Nangingiti na lang ako sa ginawa niya. Hinawakan naman ako ni Amity tapos ginalaw-galaw ang braso ko. Siya yung kilig na kilig sa ginawa ni Aelius.
Natapos ang first quarter at lamang ang G12 ng 5. Magaling din naman ang mga G11. May ibubuga din sila pero mas magaling sila Aelius lalo at mga varsity sila.
Umupo sa tabi ko si Aelius, agad kong iniabot ang tumbler niya. Binigay ko din ang towel niya pero hindi niya yun kinuha, ang gusto niya ay pupunasan ko siya. Kaya naman pinagbigyan ko na lang ang abnormal.
"Kayo na ang sweet!!" sigaw ni Larkin sa amin. Nagtawanan ang mga teammates nila.
"Hoy Chris, asan yung kapatid mo? Tawagan mo nga at papuntahin mo dito! Kailangan ko din ng magpupunas ng pawis ko!"
"May laro yun ngayon," natatawa namang sagot ni Chris.
"Tss! Sayang," nameywang pa siya.
"Naghahanap ka pa e andyan naman si Amity!" wika ni Troy.
"Yuck!! Asang pupunasan ko ng pawis yan!!" itinuro pa niya si Larkin.
"Yuck ka din! Asang magpapapunas ako sayo!!"
Nag-away na naman sila. Tawa lang ng tawa ang mga kasamahan namin.
"Isang manhid at isang in denial," iiling-iling na wika ni Aelius.
Tumingin ako sa kanya. Parang may ibig siyang sabihin. Tumingin siya sa akin. Tinuro niya si Larkin.
"Manhid.." walang boses niya yung sinabi.
Tinuro niya si Amity.
"In denial.." Wala pa din siyang boses.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...