Chapter 27

513 28 2
                                    

Larkin POV

Bumaba ako ng kotse. Tamang tama lang ang dating ko sa school. Hindi ganun kaaga pero hindi din naman late. Pasipol sipol pa ako habang naglalakad papuntang building namin nang may mapansin ako. Inaninag ko pa ng maige ang dalawang taong naglalakad hindi kalayuan sa harapan ko. At ng masigurado kong sila nga yun, binilisan ko ang paglalakad at tinawag ko sila.

"Hoyyyy Blazeee!! Rainnnn!!!"

Tumigil naman ang mga ito at sabay silang lumingon sa akin.

"Blazeeeeeee!!"

"Anong nangyari sayo haaaa?? Dalawang araw kang hindi nagparamdam sa akin!! Nag-alala ako sayo akala mo ba??" Bungad ko sa kanya.

"May mga nangyari lang,"

"Yun lang??? Hindi ka man lang mageexplain??? Isip ako ng isip kahapon pa kung anong nangyari sayo tapos yan lang isasagot mo sa akin???"

"Sorry pre! Hindi na ako nakapagtext sayo kahapon e," Bahagya siyang ngumiti sa akin. Ewan ko pero parang meron siyang hindi sinasabi sa akin.

"E bakit kayo magkasama???" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Nakatingin lang sila sa akin pagkatapos ay nagtinginan sila at pagkatapos muli nila akong tiningnan.

"Nagkasabay lang," sagot ni Blaze sa akin.

"Nagkasabay?? Hoy Blaze!! Bakit feeling ko may itinatago ka sa akin ha???" Sumimangot ako.

"Ano namang itatago ko sayo?" Natatawa pa siya.

"E di ba hindi mo naman matagalan yang si Rain tapos ngayon magkakasabay kayo?? Wag nga ako pre!"

Humarap ako kay Rain.

"Bakit kayo magkasama ng kaibigan kong 'to???"

As usual wala pa din nagbago sa mukha niya. Pero ayos lang mukhang nasasanay na ako sa kawalang emosyon niya.

"Katulad ng sinabi niya, nagkasabay lang kami."

Maging siya ay sinimangutan ko.

"Hoy kayong dalawa!" Pinagtuturo ko pa sila.

"Wag nyo akong pinagloloko ha?"

Tumingin ako kay Rain.

"Alam kong kaya mong tagalan 'tong kaibigan ko kasi mabait ka naman e at hindi mo pinapatulan ang kasamaan ng ugali niya,"

"Pero ikaw!" Tumingin naman ako kay Blaze.

"Baka gusto mong isiwalat ko dito lahat ng mga sinabi mo against sa kanya ha? At ng malaman niya na talagang napakaimposible na nagkasabay lang kayong dalawa!!"

Nagsalubong ang kilay ni Blaze.

"Fine! I'll tell you!! 'Langya ka para kang babae dyan ang dami mong sinasabi!" Tinry pa niya akong sipain pero nakailag naman ako. Natatawa naman ako kasi tama nga ako na may tinatago ito sa akin.

"We're friends," Inis na sagot niya.

Hindi naman ako makapaniwala.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Magkaibigan na nga kayong dalawa?" Tanong ko kay Rain.

Tumango naman siya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon