Chapter 46

359 27 2
                                    

Rain POV

Sa wakas ay narating din namin ang viewpoint ng Mt. Maynoba. Magaganda na ang tanawin habang umaakyat kami pero mas maganda pa pala mismo sa may viewpoint. Sobra kaming namangha sa nakita namin. Kaya pala tinawag itong Sea of Clouds.

Bago magdilim ay inayos na namin ang tent namin. Gumawa na din kami ng bonfire. Buti na lamang kami lang ang tao sa lugar na yun kaya amin ang buong lugar.

Ako ang naging punong abala dahil ako naman ang sanay sa mga ganito. Natatawa nga ako kasi hindi nila alam ang gagawin. Buti na lang andyan si Medina na tumutulong sa akin. Kaming dalawa ang naghanda ng makakain namin.

Sa gitna ng bonfire at sa ilalim ng madaming bituin kami nagdinner. Nagdala pa ng maliit na speaker si Larkin para daw may maganda kaming sound trip.

After naming makakain ay inilabas ni Amity ang isang malaking camping foam pad at inilatag iyon di kalayuan sa bonfire. Hindi ko inaasahan na makakapagdala siya nun. Papaano kaya niya napagkasya iyon sa bag niya?

"Wow naman! May ganyan ka talaga?" ani Larkin.

"Syempre! Sabi ko naman sayo super ready ako sa camping na ito!" sagot naman ni Amity.

Inilabas din niya ang unan at blanket niya at nahiga na sa inilatag niya.

"Wow! Ang gaganda ng stars!!" wika nito.

Tumingala ako. Sobrang daming stars sa langit. Lumapit si Larkin at Aelius kay Amity.

"Waaa~~ ang kumportable!" masayang wika ni Larkin ng mahiga na din siya. Umupo lang naman si Aelius.

"Dito ka Crystal sa tabi ko," tawag ni Amity. Lumapit naman sa kanya si Medina at nahihiyang humiga sa tabi nito.

"Beshie!" tawag sa akin ni Amity.

Lumapit ako sa kanila at nakita ko si Aelius na tinap-tap ang tabihan niya. Dun tuloy ako umupo. Pagkaupo ko ay bigla niya akong hinila pahiga. Nakaunan tuloy ang ulo ko sa braso niya.

Pilit kong pinapahupa ang aking puso baka kasi marinig ni Aelius ang malakas na tibok ng puso ko. Pero mukhang hindi naman niya napapansin kasi hindi na ito gumalaw sa tabi ko. Tiningala ko ito at nakita kong nakatingin ito sa mga bituin.

Tumingin na lang din ako sa mga bituin.

Tahimik kaming lima habang nagsstar gazing.

"Shooting star!!" sigaw ni Amity.

"Magwish kayo!!" at tumahimik siya.

"Nagwish ba kayo?" maya-maya'y tanong niya.

"Hindi," sagot ni Larkin.

"Ang kj mo talaga kahit kelan!"

"E hindi naman totoo mga yan no?"

Sinabunutan ni Amity si Larkin.

"Aray ko naman!"

"Panira ka kasi!"

Bumangon na si Amity.

"Mag-games na lang tayo bago tayo matulog," suhestyon niya.

Bumangon naman si Larkin.

"Dugtungan song tayo!!"

Bumangon na din ako. Naramdaman kong bumangon na din si Aelius at Medina.

"Anong dugtungan song? Ang baduy ha??" reklamo ni Amity.

"Porket di ka marunong kumanta," tumawa pa si Larkin.

"Hoy!! M-marunong ako!!" nagstammer si Amity kaya I doubt kung marunong nga siya.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon