Normal POV
Maingat na bumangon si Sav upang hindi niya magising ang katabi niyang si Amity. Tulog na tulog naman ito. Sinulyapan nya si Rain na nasa kabilang kama.
Tumayo siya at lumapit siya sa paanan ng kama ni Rain. Nakatingin lamang siya dito. Mahimbing itong natutulog. Tahimik na siyang lumabas ng kwarto.
Hindi siya gumawa ng kung ano mang ingay hanggang makalabas siya ng bahay. Pumunta siya sa may malaking puno kung saan makakapagtago siya. Nakatayo lamang sya doon na parang may hinihintay.
Naramdaman nya ang paglapit ng isang tao sa kanya pero hindi siya nangamba dahil kilala niya kung sino ito.
"Ano bang kelangan nating pag-usapan? Delikado itong ginagawa natin," wika ni Seb na may mahinang boses. Sapat para marinig ni Sav ang sinabi nito.
"May gusto lang akong malaman," seryosong wika naman nya.
Hindi sila nakatingin sa isa't isa. Nakatingin sila sa madilim na dalampasigan.
"What's with you and Amity?"
Hindi sumagot si Seb sa tanong nya.
"Bakit sobrang close nyo ata ngayon?"
Nanatili itong tahimik sa tanong nya.
"Baka nakakalimutan mo kung bakit tayo sumama dito?"
Nagkakaroon na ng inis sa boses ni Sav.
"That's ridiculous. I know very well why we are here at hindi ko yun nakakalimutan."
Tumingin si Seb sa kanya.
"Yan lang ba ang pag-uusapan natin? Pinapahamak mo lang tayong dalawa sa ginagawa mong ito," may pagkadismaya sa boses nito. Tumalikod ito sa kanya.
Hindi naman nagustuhan ni Sav ang narinig.
"Sebastian!" hindi man malakas pero andun ang diin sa pagtawag niya sa pangalan ng kakambal.
"Hindi ako bulag para hindi makita kung anong meron sa inyo ni Amity.. Ang unfair naman ata? Pinigilan mo ako sa nararamdaman ko kay Blaze tapos ikaw, ayos lang dyan sa ginagawa mo??"
Muling tumingin si Seb kay Sav.
"Kung ano man ang meron sa amin ni Amity, hinding-hindi yun makakaapekto sa mga plano natin." Sobrang seryoso ng mukha ni Seb.
"Not unlike you. Sa tingin mo ba kung hahayaan kita dyan sa nararamdaman mo kay Blaze, makakatulong sa atin? Hindi! I know you Savannah! Gusto mong makuha ang kung ano man ang gustuhin mo. Pero not this time."
Natigilan si Sav sa sinabi nito.
"Hindi mo pwedeng kunin si Blaze kay Rain dahil hindi pwedeng masira ang binuo nating pagkakaibigan sa kanila. Hindi ka pwedeng maging kaaway ni Rain, naiintindihan mo ba?"
Naikuyom ni Sav ang kanyang mga kamay.
"Hanggang hindi natin nakukuha ang kailangan natin sa kanya, pigilan mo muna yang nararamdaman mo. And after all these, pababayaan na kita! Wala akong pakielam kung gusto mong magpakabaliw sa Blaze na yun,"
"You're so unfair.." galit na wika ni Sav.
"I'm not unfair. You're just weak when it comes to your emotions. Kung saan hindi ka na nakakapag-isip ng tama,"
"I hate you!" tiningnan niya ng masama ang kapatid.
"Bumalik ka na agad sa kwarto nyo bago pa magising si Rain."
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
JugendliteraturSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...