Rain POV
Ginalaw-galaw ko ang aking ulo para mastretch ang leeg ko. Kasalukuyan akong mag-isang naglalakad. Galing akong Faculty. Pinatawag kasi ako ni Sir Diaz. Kinausap niya ako kasi nagtataka siya kung bakit daw blanko ang pinasa kong test paper kanina.
Gumawa na lang ako ng alibi na masama ang pakiramdam ko para hindi na masyadong humaba ang pag-uusap namin. Hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan.
Buti na lamang at naniwala sa akin si Sir, first time lang kasi yung mangyari at isa ako sa magagaling niyang estudyante. Pinauwi na lang niya ako agad at sinabihan na magpahinga.
At ngayon nga, naghahanap na ako ng magandang lugar kung saan ko itatawid itong antok ko. May club activities ako ngayon pero wala ako sa mood umattend. Mahalaga ngayon ay makatulog ako.
Habang naglalakad ay napansin ko naman si Medina. Nasa school garden ito at may kinukuhanan ng larawan. Wala naman akong balak na pansinin siya tutal abala din naman ito, kaya lang bago ko pa maalis ang paningin sa kanya ay napatingin na siya sa akin.
Tumayo naman ito at tipid na ngumiti. Hindi ko naman alam kung aalis na lang ako o mananatili dun. Pero bago pa ako makaalis ay nakalapit na siya sa akin.
"H-hi R-rain.." bati nito sa akin.
Hanggang ngayon nahihiya pa din siya sa akin.
"Hi." Ganting-bati ko sa kanya.
"Ahh.. p-pupunta ka b-ba s-sa PC..?" Nahihiyang tanong nito sa akin.
"Hindi muna."
Kumunot ang noo niya.
"B-bakit n-naman..?"
"May kailangan kasi akong gawin,"
Nakita ko kung paano siya lumungkot.
"Kailangan ko lang bumawi ng tulog sobrang inaantok ako ngayon," at humikab pa ako sa harapan niya.
Nakatitig lang si Medina sa akin, hindi siguro nito inaasahan na iyon ang magiging dahilan ko. Pero ngumiti din siya pagkatapos.
"G-ganun ba..? A-ako ng b-bahala k-kay P-president, sa-sabihin ko sa k-kanya n-na may m-mahalaga kang a-aasikasuhin.."
Mabait siya kagaya ni Amity yun nga lang hindi siya kagaya ni Amity na sobrang kulit at maingay. Mukhang mas gugustuhin ko pa ngang kasama si Medina e, tahimik lang kasi ito at hindi makulit.
"Salamat Medina,"
Tipid akong ngumiti sa kanya na ikinatahimik niya. Nakatitig lang siya sa akin.
"Una na ako,"
"S-sige R-rain.. m-magpahinga k-ka ng m-mabuti.."
Tinanguan ko lang siya. Nang talikuran ko siya ay natigilan naman ako dahil nasa harap ko ngayon ang taong hindi ko inaasahan na makita.
Si Cyrus Domingo at hindi siya nag-iisa. Kasama niya yung mga kaibigan niya at si Clemente. Naalala ko naman nung makipaglaban kami ni Aelius sa mga ito.
'Mukhang ayos na sila ah.'
Nakatingin lang sa akin si Domingo. Nilalabanan ko naman ang tingin niya.
Pinasadahan niya ang kabuuan ko. Iba ang pagkakatingin niya pagkatapos ay ngumisi sa akin.
"Totoo nga pala ang balita.. na babae ka," Lumapit siya sa akin. Hindi naman ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Dinilaan ni Domingo ang sariling labi. Napakatiim ng pagkakatitig niya sa akin.
"I want to talk with you," Ngumisi na naman siya. Hindi nakakatuwa ang pagngisi niya.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Ficção AdolescenteSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...