A/N: Naeexcite po ako sa mga comments nyo! Hahaha! Marireveal na ata dito kung sino talaga si Koseki. Si Lucienne ba? SI Crystal? O may iba pa? Hmmnn.. ●.◉)
Enjoy reading!!
~~~~~~~~~~~~~
Amity POV
Tumingin ako sa driver ko ng huminto ang sasakyan. Kalalabas lang namin sa gate namin.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"May sasabihin po ata ang katulong nyo Ma'am," wika naman nito.
Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa bintana ng may kumatok doon.
"Ako na po ang makikipag-usap," wika naman ng isa ko pang bodyguard. Katabi siya ng driver.
"Ah hindi, ako na!" Ibinaba ko ang bintana sa tabi ko.
"Yes, Ate Lilian?"
"Ma'am, may delivery po kayo! Kakarating lang po, buti hindi pa po kayo nakakaalis!" Iniabot niya sa akin ang isang plastic package.
"Thank you ate,"
Ngumiti siya sa akin at tumango.
"Ingat po kayo Ma'am!" Yumuko pa siya.
"Thanks! Bye!" Kinawayan ko naman siya bago kami umalis.
Isinara na ng driver ko ang bintana.
"Aalis na po ba tayo Ma'am?"
"Sige," sagot ko sa kanya habang nasa plastic package ang atensyon ko.
Mukhang alam ko naman na kung ano ang laman nun kaya excited akong buksan iyon.
At hindi nga ako nagkamali, ito yung matagal ko ng hinihintay! Isa itong picture magazine pero personalized. Pinagawa ko talaga ito at limang kopya lang ito. Yung mga pictures dito ay yung naging photoshoot ko sa Mt. Maynoba tsaka ilan sa mga pictures naming lima.
Isa-isa kong binuklat ang pahina.
'Omg lang~ ang gaganda ng mga pictures ko! Huhuhu! Para tuloy talaga akong totoong model.. hihihihi! Ang galing talaga ni Crystal kumuha ng mga pictures!'
Tuwang-tuwa ako habang tinitingnan ang bawat pahina.
'Can't wait na makita din nila ito.. hihihi!'
Agad akong bumaba sa sasakyan ng makarating ako sa school. Excited na talaga ako na makita nila ito.
Papunta na ako sa outdoor court ng makasalubong ko si Rain.
"Saan ka pupunta beshie?"
"Sa field."
Nagtaka naman ako kasi alam ko may laro sila Blaze ngayon.
"Di ba may laro sila Blaze at Larkin?"
Tumango siya.
"Kaso nag-iba ang sched ng match namin sa baseball. Ngayon na daw."
"Haaa?? E pano yun? Di ba championship na din ng baseball game??"
"Oo."
"Halaaaa! Excited pa naman si Blaze manuod ng baseball game mo!"
"Wala tayong magagawa." Tipid siyang ngumiti.
"Sabagay! Hmmn.. ako na lang bahala! Irerecord ko na lang ang laro mo para naman mapanuod pa din nila Blaze,"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Подростковая литератураSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...