Rain POV
Nagtuloy-tuloy ang recovery ni Axel. Nakakausap na din namin siya. Buti na lang hindi nagkatrauma ang bata. Napakastrong nya kasi ng makita nya kami, nakangiti agad siya sa amin.
"Kuya Aelius, umuwi po si Mommy!" wika niya. Sinulyapan ko si Aelius.
"Syempre uuwi si Mommy para sayo," nakangiting wika naman nito. Nakangiti siya pero hindi makakatakas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Nakausap mo na ba siya?" tanong pa nito.
"Opo! Ang saya saya ko Kuya kasi andito po siya!"
Nag-usap pa ang magkapatid tungkol sa Mommy nila. Lumapit saken si Larkin at bumulong.
"Totoo bang umuwi si Tita Athira?"
Tumango ako.
"Talaga.." hindi na ulit nagsalita si Larkin. May kung anong iniisip ito.
Kasama din namin si Eli. Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa dalawang ito e. Akalain mong magkakagustuhan. Hindi ko alam na interesado din pala si Eli sa mga lalake. Pero masaya ako para sa kanya kasi maeexperience din niya sa wakas ang love. Sana lang talaga wag syang lolokohin ni Larkin, babaero pa naman ito.
Pero sabagay.. kahit di ko naman paalalahanan si Larkin, kung mambabae man siya panigurado akong patay siya kay Eli. Nakakatakot din kaya ang isang yan.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok at pumasok dun si Amity. Hindi ko naman inaasahan ang taong kasunod niya.
"Hi Axel!" masayang bati ni Amity.
"Hello Ate Amity,"
"May pasalubong ako para sayo!" pinakita nito ang isang basket ng prutas.
"Thank you Ate,"
"Parang Seb!" naghigh five silang dalawa ni Larkin.
Nakatingin lang naman ako sa apat. Kay Amity, Seb, Larkin at Eli.
Nang biglang umalis si Amity nung nakilala niya si Eli, alam kong nagdahilan lang sya nun. Halata ko naman na nasasaktan siya. Naguiguilty tuloy ako kasi simula nun hindi ko man lang siya nakakamusta.
Pero bakit kaya magkasama sila ni Seb?
"Teka bakit kayo magkasamang dalawa ha?" tanong ni Larkin.
"Wala ka na dun!" sagot naman ni Amity.
"Asusss! Seb, pinopormahan mo na ba itong kaibigan namin??" tumaas-taas pa ang kilay ni Larkin.
"Ha?" ang tanging naging sagot lang ni Seb.
"Wag ka ngang maissue dyan! Nagkataon lang na nagkita kami tapos inaya ko siya dito!"
Hindi pinansin ni Larkin si Amity. Inakbayan niya si Seb.
"Pare, kapag may gusto kang malaman kay Amity, wag kang maghesitate na magtanong saken! Tutulungan kitang mapasagot siya,"
Gusto kong magface palm ngayon. Hay naku, Larkin! Bakit ganyan kang kabopols? Hindi ko alam kung sobrang manhid ka lang talaga o alam mo naman talaga na may gusto sayo si Amity pero pinagtutulakan mo lang talaga siya sa iba?
"Tumigil ka na nga dyan bopols!" hinila ni Amity si Seb palayo kay Larkin.
"Eli, ilayo mo nga yang bopols mong boyfriend dito kay Seb!"
"Ha? Oo sige!" hinila naman ni Eli si Larkin palapit sa kanya.
"Hoy, ang iingay nyo! Kitang may pasyente dito e," sita sa kanila ni Aelius.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
أدب المراهقينSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...