Rain POV
Seryoso kong pinapanuod ang panghohostage kay Medina. Hindi ko magawang makalapit sa kanila. Nagtama ang paningin namin ni Medina. Humihingi siya sa akin ng tulong.
"Walang lalapit sa inyo!!!!" Sigaw nung Carlos habang itinutok sa mga taong naroroon ang hawak na kutsilyo.
"Papatayin ko talaga ang babaeng ito!!!"
Nawawala na nga talaga ito sa katinuan.
"Umakyat ka! Bilis!!"
Kitang kita ko kung paano namutla lalo si Medina nang utusan siyang umakyat sa railings ng tulay.
"Bilisan mo!!!"
Maging si Carlos ay umakyat na din. Hindi na lalo ako makalapit sa kanila dahil isang kilos lang ng kahit sino sa aming naririto ang gawin namin ay tiyak di magdadalawang-isip si Carlos na itulak s Medina.
"Kung hindi ka din lang magiging akin, isasama na lang kita sa kabilang buhay!"
Nagulat ang lahat ng undayan niya ng saksak si Medina at kasabay nun ang pagkahulog nila. Hindi na ako nagdalawang-isip, mabilis akong lumapit sa pinaghulugan ng mga ito at tumalon din.
"Rain!!!!" narinig ko pa ng isigaw ni Aelius ang pangalan ko kasabay ng pagbagsak ko sa tubig.
Buti na lang malalim ang tubig. Pinilit kong tingnan ang paligid ko upang makita si Medina. Malakas ang daloy ng tubig kaya naman ramdam ko ang pagtangay nito sa akin.
I was trained to breathe in water for long kaya naman hindi agad ako umaahon. Pilit ko pa ding hinahanap si Medina. At sa wakas nakita ko din siya, agad kong nilangoy ang pagitan namin. Hindi naging madali sa akin dahil nga sa lakas ng current ng ilog pero hindi ako sumuko. Hindi ko na alam kung gano na kalayo ang narating namin.
Nagawa kong abutin ang kamay ni Medina at buong lakas na hinila ko siya palapit sa akin. Wala itong malay. Mabilis na lumangoy ako paitaas. Habol ang hiningang nakaahon ako. Inahon ko din si Medina upang hindi ito tuluyang malunod.
Tumingin ako sa paligid. Hindi ko na makita ang tulay. Hindi kasi padiretso ang ilog. Puro puno, halaman at matataas na lupa na ang nakikita ko. Hindi ko kayang labanan ang agos ng ilog kaya tinatangay na lang kami nito.
Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng tubig. Tumingin ako sa likuran ko dahil dun nanggagaling ang tunog.
'Shit!!'
Kaya pala ganung kalakas ang agos ng ilog ay nakadugtong pala ito sa isang talon. Wala na akong magagawa kaya hinawakan ko ng mahigpit si Medina. Hanggang sa anurin na kami ng tubig at mahulog sa talon.
Nagkahiwalay kami ni Medina pagbagsak namin sa ibaba. Umahon ako agad para makita ang buong paligid at kung saan siya napadpad. Buti na lang ay nakita ko siya agad. Lumangoy ako papalapit sa kanya at hindi na ako nag-aksaya ng oras, lumangoy ako papunta sa pampang.
Hinihingal na inihiga ko si Medina sa lupa. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito. Ngunit hindi ito nagigising. Namumutla na ito. Pinakinggan ko ang puso niya kung tumitibok pa ito, wala naman akong marinig kahit konti. Kaya agad kong pinump ng tatlong beses ang dibdib niya at binigyan siya ng hangin sa bibig. Ilang beses ko iyong ginawa. Hindi ako tumitigil hanggang hindi siya nagkakamalay.
Sa pangsampung beses kong pump sa dibdib niya ay bigla siyang umubo at inilabas ang nainom niyang mga tubig. Nakahinga ako ng maluwag. Pinakinggan ko ang dibdib niya at meron ng pag-tibok dun kahit pa mahina lang.
Nakita ko ang madaming dugo sa damit nito, itinaas ko yun at tumambad sa akin ang malaking sugat na natamo niya. Sinira ko ang damit ko hanggang sa maging crop top na lang yun. Pansamantala kong ginamit iyon upang itali sa sikmura ni Medina upang mapigilan ang pagdurugo ng kanyang sugat.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...