Chapter 100

225 22 1
                                    

Normal POV

Ilang ring din ang narinig ni Seb bago sumagot yung tinatawagan niya.

"Hello?"

Napangiti siya ng marinig ang boses sa kabilang linya. Halata sa boses nitong galing ito sa tulog.

"Babe," Hindi niya maiwasang mapangiti kapag tinatawag niya ng ganun si Amity.

"Sebastian!" Mukhang nagising na ng tuluyan si Amity.

"Napatawag ka? Ayos ka lang ba??" Pakiramdam ni Seb parang hinahaplos ang puso niya sa pag-aalala nito sa kanya.

"Uh, yeah.. Ayos lang ako.. Sorry for waking you up,"

"No! No! It's okay.. actually.. kanina ko pang hinihintay ang tawag mo.." Kahit hindi niya ito kaharap, naiimagine niya kung anong itsura nito ngayon. Paniguradong nakanguso ito.

"Sorry for calling you late.." Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang mukha.

"Okay.. Apology accepted.." And this time, alam nyang nahihiya na itong nakangiti sa kanya.

Ilang oras pa lang na hindi niya nakikita ang dalaga ay sobra na nya itong namimiss.

"Babe.."

"Hmmnn.."

"I'm leaving.."

Hindi agad nagsalita si Amity.

"San ka naman puupunta?"

"I need to see my parents sa Davao,"

Hindi ulit agad nagsalita si Amity. Ilang segundo din siyang tahimik.

"Hanggang kelan ka naman dun?" Nag-iba ang tono ng boses nito.

"I'm not sure.. may kailangan lang kasi kaming pag-usapan.. about Sav.."

Sa totoo lang, kung si Seb ang masusunod ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Amity. Gusto nyang nasa tabi lang siya nito. Lalo't higit sa mga sitwasyon na ganito.

"Don't worry.. I've got to talk to Larkin.. He'll take care of you for the meantime.. He promised me that he'll always be by your side and hindi ka niya hahayaang mag-isa.." Parang lason sa bibig niya ang mga salitang yun. Para siyang unti-unting pinapatay.

Nanatiling tahimik si Amity sa kabilang linya.

"Amity?"

"Bakit sa kanya mo ako hinabilin? Bakit sya pa yung kailangang nasa tabi ko?"

Si Seb naman ang hindi agad nakasagot sa mga tanong nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaction nito.

"Alam mo naman di ba kung anong nararamdaman ko sa kanya? Ayos lang ba sayo yun?? Paano kung sa pagbabalik mo mahal na din pala niya ako?? Paano ka??"

Ibinaba ni Seb ang kanyang paningin. Kinagat niya ang ibabang labi. Bawat tanong ni Amity parang kutsilyo na tumutusok sa puso niya.

"If it's going to happen then I will be happy for you.. kasi sa wakas mahal ka na ng taong mahal mo.."

Hindi nagsalita si Amity.

"Amity.. don't worry about me okay? Just think of yourself.. if ever you'd be with Larkin and he has realized that he loves you, huwag kang magdadalawang-isip. Just be true to yourself. I just want your happiness more than anything else.."

"Sebastian.."

Tumingin si Seb sa taong magpapalipad ng helicopter. Nag-okay sign na ito sa kanya, ibig sabihin ay ready to go na sila. Lumapit na siya sa may helicopter.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon