Chapter 103

210 23 2
                                    

Aelius POV

Tumingin ako sa paligid habang papasok ng ospital. Sinisiguro kong walang nakasunod sa akin. Agad akong sumakay ng elevator, yumuko ako ng may mga doctor akong nakasabay. Hindi naman nila ako pinansin. Parehas kami ng floor na pupuntahan. Pinauna ko muna silang lumabas at saka ako sumunod. Walang masyadong tao sa floor na iyon. Mabuti na lamang.

Binaybay ko ang kanang pasilyo hanggang makarating ako sa dulo. Tumigil ako sa isang kwarto. Maingat kong binuksan iyon. Hindi ganun kaliwanag sa loob ng kwarto. Tama lang sa isang pasyenteng nagpapagaling.

Paanan pa lang ng kama ang nakikita ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Eli habang tinututukan ako ng kunai.

"Sino ka?" Mahinang wika nito. Nakatingin ito sa akin ng walang pagaalinlangan na saktan ako oras na humakbang pa ako ng isa.

"Eli,"

Natigilan ito ng marinig ang boses ko. Tinanggal ko na ang suot na cap at face mask.

"B-blaze.." Agad niyang ibinaba ang kunai.

"Sorry! Hindi kita nakilala!"

Nginitian ko siya.

"That's okay.. Thank you sa pagbabantay mo kay Rain,"

"Ginagawa ko lang kung anong kaya kong gawin para sa kanya.."

"Eli, pwede mo ba muna kaming iwan? Pakibantayan na lang kami sa labas.. oras na may paparating, sabihan mo ako agad.. hindi kasi pwedeng may makakita sa akin dito,"

Hindi na nagtanong si Eli kung bakit. Tumango lamang siya at lumabas na ng kwarto.

Lumapit na ako kay Rain. Wala ng nakatusok na madaming aparatos sa kanya. Dextrose na lang at oxygen mask ang meron sa kanya. Ngumiti ako ng sa wakas ay nahawakan ko ang kanyang kanang kamay.

"Rain.."

Kahit papaano ay nagkaron na nang improvement ang itsura niya. Hindi na siya ganung kaputla. Maingat kong inalis ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang pisngi. I gently caress her face.

"Sobrang namiss kita love.. sorry ha kung ilang araw akong wala sa tabi mo.. kinailangan ko lang gawin yun para sayo.. para makaligtas ka.." Wika ko sa kanya. Sabi nila kahit nasa comatose ang isang tao, naririnig pa din nito ang mga tao sa paligid niya.

"Ulan ko.. alam kong hindi maganda kung magsasabi agad ako sayo ng bad news pero sa tingin ko kailangan mong malaman.." Huminga ako ng malalim.

"Sorry for telling you this pero.. si Amity.." Lumunok ako.

"Ulan.. Amity's gone.. hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya.. ang hirap pa din tanggapin na wala na siya.. iniwan na tayo ng kaibigan natin.."

Alam kong masasaktan ka oras na malaman mo paggising mong wala na si Amity. Nalulungkot at nasasaktan ako para sayo Ulan. Dahil hindi ka nagkaron ng pagkakataon na makita siya sa huling sandali.

"Sana bago mailibing si Amity, magising ka na.. Makapagpaalam ka man lang sa kanya sa huling pagkakataon.."

Natigilan ako ng may makitang luhang umagos sa gilid ng kanyang mga mata.

"Rain.."

Naririnig niya ako. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang kanyang kamay.

"You can hear me love.."

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil alam kong ligtas na sa kapahamakan ang Ulan ko. Kailangan ko lang hintayin kung kelan siya muling gigising. Pero may lungkot pa din dahil iniwan kami ng isang kaibigan.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon