Normal POV
Nakita ni Aelius ang mommy niya pagkalabas ng cr. Kausap nito si Axel.
'Bakit kaya ganun? Ibang iba siya kapag si Axel ang kaharap niya. Nagkakaron siya ng buhay. Hindi siya nakakatakot. Tumatawa siya. Sobrang bait at sweet pa nya kay Axel. Pero pagdating sa akin parang wala lang ako. Parang di niya ako anak..'
Iyan ang naiisip niya habang nakatingin sa dalawa.
Matagal na niyang iniisip na baka di talaga siya anak ng parents niya. Ramdam naman kasi niya na sobrang layo ng loob ng mga ito sa kanya. Naisipan na din niyang magpaDNA test sila ni Axel pero natatakot naman siya sa magiging resulta. Hindi niya ata kakayanin na malaman na hindi pala talaga sila magkapatid ni Axel.
Nakatayo lang siya dun at pinapanuod ang Mommy niya at si Axel.
'Sana Mommy nagagawa mo din akong kausapin ng ganyan.. Hindi mo lang alam kung gano kita namimiss araw araw.. Kayo ni Daddy..'
Tahimik na lang na lumabas ng room si Aelius. Ayaw niyang makita ni Axel ang pakikitungo sa kanya ng Mommy nila.
Ang daming bodyguard ang nasa labas ng room ni Axel. Agad niya namang hinanap si Rain. Nakaupo ito sa di kalayuan. Nilapitan niya ito agad.
"Ulan,"
Nakangiti agad si Rain sa kanya ng nilingon siya nito. Tumayo ito at agad siyang niyakap. Napangiti naman siya sa ginawa ng kanyang nobya at niyakap din niya ito ng mahigpit.
'Isang yakap mo lang talaga.. tanggal na agad ang lungkot ko..'
Tumunog ang cellphone ni Aelius kaya naman naghiwalay muna silang dalawa. Tumatawag si Larkin.
"Blaze, naisipan naming apat na manuod ng movie sa Mall! Sunod kayong dalawa ni Rain," Bungad agad nito sa kanya.
"Ganun ba? Sige, sunod kami.." Pumayag naman siya agad.
"Nice bro! Sige text ko na lang sayo anong papanuodin namin,"
"Sige sige,"
"Ano daw yun?" tanong ni Rain ng ibinaba niya ang phone.
Ngumiti siya dito.
"Nag-aya si Larkin, manunuod daw sila ng movie!" Hinawakan niya ang kamay nito at nagsimula na silang maglakad.
"Silang dalawa ni Eli?"
"Hindi lang sila, kasama pati sila Amity at Seb!"
"Talaga?"
"Alam mo ba love, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala kila Larkin at Eli!"
Tumingin ito sa kanya.
"Ako man. Nakakabigla ang dalawang yun,"
"Pero bagay naman sila! Si Eli na siguro ang katapat ni Larkin,"
"Ewan ko lang kung makapang-chix pa siya, nambubugbog yung kaibigan kong yun e!"
"Talaga?" Natatawa naman si Aelius para kay Larkin kasi di na ito makakapangchix pa.
"Oo. Mas malupit yun saken, mabilis pang uminit ang ulo kaya good luck na lang talaga sa bestfriend mo," natatawa din si Rain habang sinasabi niya yun.
"Finally, nahanap nya din ang katapat nya!"
"Pero Araw.. pano naman si Amity?"
Nagpakawala si Aelius ng hangin mula sa kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...