Aelius POV
Sobrang okay na ulit ako ngayon. Bumawi ulit ako ng tulog kagabi. Kaya ngayon fully recharge ako. Gwapong gwapo na naman akong pumasok kaya lahat ng mga kakabaihan at mga kabadingan ay halos mabali ang mga leeg sa pagsunod ng tingin sa akin. Hindi ko kasama si Larkin kaya naman di nila magawang maghihiyaw. Hanggang tingin lang sila.
Madami akong balak gawin ngayon. Una kakausapin ko ang Dean ng elem para kay Axel. Sunod ay titingnan ko ang CCTV sa may library upang makita kung sino ang pumakielam ng cellphone ko. At panghuli ay kakausapin ko ang guard sa may backgate upang alamin kung bakit wala sya nung nakidnap ako.
Maaga pa naman kaya pupunta muna ako kay Dean Buenaflor. Pero bago pa ako makarating sa kanyang opisina ay nakita ko ang kanyang secretary.
"Goodmorning Sir Fontanilla," agad na bati nito sa akin.
"Goodmorning," nilagpasan ko siya pero agad din akong huminto. Nilingon ko siya at tinawag.
"Ms. Soler?" Nilingon naman nya ako at lumapit sa akin.
"Yes Sir?"
"Nasa office ba si Dean Buenaflor?"
"Wala po Sir! Mamaya pa po siya darating after lunch, may inattendan lang pong seminar,"
"Ah I see.."
"Bakit po Sir?"
"Kakausapin ko lang sana siya anyways, I'll just talk to her later!"
"Ok po Sir! Sasabihin ko na lang po din kay Dean pagkarating niya mamaya,"
Tinanguan ko lang sya at saka siya iniwan.
'Maaga pa naman akong pumasok para makausap sya.. Pero ayos lang sa library muna ako pupunta..'
Habang papunta sa library ay nakasalubong ko naman si Samantha Fuentes, president ng Drama Club.
"Hi Fontanilla!" Nakangiting bati nito sa akin.
Tumango lang ako bilang pagbati.
"Can I talk to you for a minute?"
Kumunot ang noo ko. May gagawin pa kasi ako e kaya hindi ako pwedeng maabala. Mukhang nag-alanganin naman siya ng makitang nakakunot ang noo ko.
"Sorry if nakakaistorbo ako pero I just really need to talk to you right now,"
Mukha namang importante ang sasabihin niya.
"Regarding with what?"
"Regarding sa gagawin ng Grade 12 sa Acquaintance,"
Lalong kumunot ang noo ko. Bumalatay naman sa mukha ni Fuentes ang panic.
"Kahapon pa sana kita kakausapin regarding dun kaso yun nga wala ka sa klase.. e mamaya na kasi ang announcement ng gagawin natin sa Acquaintance.. kaya.. sorry talaga kung iistorbohin kita ngayon?"Dire-diretso nitong wika. Halata naman na kinakabahan siya.
Bumuntong-hininga ako. No choice man ay mukhang kailangan ko munang pakinggan kung ano mang sasabihin niya.
"Sige but just make it fast. May gagawin pa kasi ako," Wala sa mukha ko ang pagkakaroon ng interes sa ano mang sasabihin niya.
Lumiwanag ang mukha niya at ngumiti siya.
"Yes! Sure, don't worry mabilis lang ito! Super thank you Fontanilla!"
Tumango ako para sabihing simulan na nya ang sasabihin niya.
"Ang napag-usapan kasi ng Grade 12 Committee na gagawin natin sa Acquiantance ay play.. The play is about Twelfth Night by William Shakespeare!"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...