A/N: Reminder lang na this chapter is a bloody one! ( ⁰д⁰)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Aelius POV
"Ahhh.." Kumikirot ang ulo ko. Ano bang nangyari?
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.
"B-blaze!?"
Dahan-dahan akong bumangon habang hawak ang sumasakit kong ulo.
"Blaze, okay ka lang ba?"
Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Amity. Bigla kong naalala na may isang lalakeng tinatakpan ang bibig niya kanina.
"Ayos ka lang ba Amity? Sinaktan ka ba niya??"
Umiling siya. Umiiyak ba siya?
"A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?? May ginawa ba siya sayo??"
Muli siyang umiling.
"Ayos ka lang ba? Anong pakiramdam mo? Dumudugo ang ulo mo ngayon dahil sa lakas ng hampas sayo nung lalake kanina.." wika niya habang umiiyak siya.
Lakas ng hampas?
Tinry kong kapain ang parte ng ulo ko na sumasakit. Dun ko narealize na nakagapos pala ako. Nakapa ko naman kahit papaano ang malagkit na likido sa may likuran ng ulo ko. Pagtingin ko sa kamay ko ay dugo nga iyon. Sobrang lakas nga siguro ng pagkakahampas sa akin dahil wala akong maalala after kong makita ang sitwasyon ni Amity kanina.
"Nasan sila?" Tukoy ko sa mga taong kumidnap sa amin.
Umiling si Amity.
"Paggising ko kanina, wala akong nakitang ibang tao.." Suminghot siya.
"Nakilala mo ba kung sino ang dumukot sa atin?"
Umiling na naman siya.
"Kailangan nating makaalis agad sa lugar na ito!" Mahirap na baka bumalik pa ang mga taong yun.
Pinahid niya ang kanyang mga luha.
"Nakausap ko kanina si Larkin, alam nilang magkasama tayo.. sabi niya, ilolocate daw niya kung nasan tayo kaso biglang namatay ang phone ko! Ilang oras na din yung nakalipas kaya di ko alam kung nalaman ba niya kung nasasaan tayo!"
Tumango ako. Nagkaron tuloy ako ng pag-asa. Hindi kami mapapahamak dito ni Amity. Alam kong dadating si Larkin.
"Don't worry, alam kong papunta na siya dito! Sa ngayon kalagin na natin ang mga tali natin.. hindi tayo pepwedeng magstay dito baka mamaya nyan biglang bumalik ang mga taong dumukot sa atin!"
Tumango naman si Amity bilang pagsang-ayon.
Hindi ako nahirapan sa pagkakalag ng tali dahil hindi iyon ganun kahigpit. Matapos kong alisin ang mga tali sa kamay at paa ko ay saka ko tinulungan si Amity. Ilang minuto din ang lumipas at maging siya ay nakawala na din.
Tumayo na kami pero bigla naman akong nahilo. Buti na lang at naalalayan ako ni Amity.
"Blaze ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Yeah! I'm okay.. don't worry.."
Tinry kong maglakad pero talagang nahihilo ako. Inalalayan naman na akong tuluyan ni Amity.
Tumingin ako sa paligid upang maghanap ng pwedeng exit sa lugar na ito pero iisa lang ang nakita ko. Ang entrance lang ng warehouse na yun ang tanging nakikita kong pwede naming daanan para makalabas.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...