Chapter 15

474 27 4
                                    

Amity POV

Mag-isa ako ngayon dito sa rooftop. Kinakailangan ko kasing magpractice ng mga lines ko sa play. Ayoko nang ipahiya si Sam. Baka mawarla na ako nang bongga nun. Favorite pa naman niya ako. Hindi ko muna sasabayan sa breaktime at lunchtime si Rain. Nakakalungkot man pero for me acting is life! Kailangan ding pakitaan ko siya nang acting skills ko.

Nang matapos kong iscan ang mga lines ko ay tumayo ako habang hawak hawak ng kanang kamay ko ang script. Humugot ako nang malalim na hininga at malakas na nagpakawala ng hangin.

"Get that fool out of here," Binasa ko muna ang script pero nilagyan ko na yun ng emosyon.

"Oh, go away, you're a boring fool!" Tumingin ako sa harapan ko na parang may kinakausap ako. Humalukipkip ako.

"I don't want to have anything to do with you anymore. Besides, you've gotten unreliable!"

Pause.

"I told them to take you away!" Dinuro ko pa yung imaginary kausap ko habang inemphasize ko yung salitang you.

"Can you do that?" Sarcastic ko namang tanong.

"Then go ahead and prove it!" Winave ko pa ang kamay ko.

"I'm listening to you only because I've got nothing better to do!" Muli akong humalukipkip.

Napalingon ako nang bigla akong makarinig ng palakpak at nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pinakakinaiinisan kong tao. Si Larkin Lopez!

Nakaupo siya sa di kalayuang bench na naroroon. Lumapit siya sa akin.

"Ang galing mo talagang umarte no?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Kanina ka pa ba dyan??" Inis kong tanong sa kanya.

"Oo at wag kang magsusungit dyan dahil mas nauna ako sayo dito,"

'Tss! Kakainis talaga ang lalakeng to! Kumukulo ang dugo ko sa kanya!'

"Umalis ka na! Wag kang istorbo," Tinalikuran ko siya.

"Wow! Ikaw ba ang may-ari nito para paalisin ako dito?"

Muli akong humarap sa kanya, salubong ang kilay.

"Hindi! Pero nagpapraktis ako dito at malaki kang istorbo!" Medyo mataas na ang boses ko.

"Sino kayang istorbo? Natutulog ako dun for your information," Itinuro pa niya ang pinanggalingan niyang bench. 

"At bigla ka na lang nag-ingay dyan kaya nagising ako!"

"Hoy! Hindi ako nag-iingay! I was acting!"

Nanggigigil na talaga ako sa isang ito. Pero kung anong ikinahighblood ko ay siyang ikina-cool naman niya. Nakukuha pa nyang ngumisi-ngisi sa akin.

"Bakit kasi dito ka pa nagpapraktis e?"

"Dahil dito ko gusto!"

Tumingin lang siya sa akin at saka siya umupo malapit sa gamit ko. Pagkatapos ay humiga siya sa bench at ginawang unan ang bag ko.

"Hoy!" sigaw ko.

"Dito ko ding gustong matulog," Nakangisi pa din siya. 

"Sige lang ipagpatuloy mo lang yang acting actingan mo dyan!" Pumikit siya.

'Aba't! Ang lakas ng loob gawing unan ang bag ko!'

Lumapit ako sa kanya.

"Hoy Larkin Lopez! Alis-alisin mo nga yang ulo mo sa bag ko! Wag mong gawing unan ang bag ko!!"

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon