Normal POV
"Hahaahhahaha!! Papaano mong magiging nanay ang babaeng ito e siya lang naman ang inutusan ko noon para patayin ka!!!"
Natigilan si Aelius ng marinig iyon. Naguluhan siya sa sinabi ni Hattori.
"Hindi mo ba alam na ampon ka?? Imposible kang maging anak ni Mitsuki!!"
Ang galit na nararamdaman ni Aelius ay parang bulang nawala.
'Ampon.. ako..'
Parang sinaksak ng ilang beses ang kanyang puso sa kanyang nalaman.
'Naisip ko nang maaaring hindi nila ako tunay na anak pero sobrang sakit pa din palang malaman na totoo yun..'
Nakatingin lamang si Aelius sa kanyang ina.
"Tumahimik ka!!"
Walang marinig si Aelius. Parang biglang bumagal ang buong paligid niya. Nakikita niyang pilit kumakawala si Athira sa pagkakasakal ni Hattori dito.
'Nakakatawang naisip kong ako yung pinagbubuntis mo noon tapos akala ko iyon ang dahilan mo kaya ganun ang naging pagtrato mo sa akin..'
Muli na namang bumalong ang mga luha sa mga mata ni Aelius.
'Kaya naman pala kahit kelan hindi ko kayo naramdaman ni Daddy dahil hindi nyo ako tunay na anak.. kung totoo mang pinagtangkaan mo ang buhay ko bakit hindi mo na lang ako pinatay noon.. bakit hinayaan mo pa akong mabuhay.. Binuhay mo lang ba ako para pahirapan ako..?'
Hindi nya nagawang isatinig iyon. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.
"Andito na din naman tayong lahat, sasabihin ko na sayo ang buong katotohanan!!"
"H-huwag.. tumahimik ka na!!"
"Ang buhay na kinagisnan mo ay napakalaking kasinungalingan! Hindi ikaw si Aelius Blaze Fontanilla! Dahil ikaw ang kahuli-hulihang Crown Prince ng Japan! At kailangan mong mamatay ngayon para matapos na ang pagpapabagsak namin sa Imperial Family!!"
Hindi pa nga ganung nadadigest ni Aelius ang katotohanang ampon siya, may panibago na namang sinabi si Hattori tungkol sa tunay nyang pagkatao.
'C-crown.. prince..?'
"Aelius!!!"
Natauhan si Aelius sa malakas na pagtawag ni Athira sa kanyang pangalan.
Nagulat siya ng isang mabilis na palaso ang tumama sa lalakeng nasa likuran niya.
"NAGAME!?!"
Nakita niya si Hattori na binitawan si Athira at sinipa ito. Pinaikot ni Hattori ang kadena at binato ito. Dun nya nakita si Rain ng pumulupot sa katawan nito ang kadena. Bumagsak ito at agad na dinaganan ni Hattori mula sa likuran at itinutok ang blade sa leeg nito.
"RAIN!!!" sigaw niya.
Tinanggal ng lalake ang palaso sa kanyang balikat at marahas na itinayo si Aelius. Mabilis nitong inilapat ang talim ng katana sa leeg nito.
"MITSUKIIIII!!!!!"
Nakakabingi ang pagsigaw ni Hattori. Tuwang tuwa siya sa lahat ng nangyayari ngayon.
"Ngayon ko titingnan kung anong gagawin mo!?! Sinong ililigtas mo?? Ang itinuring mong anak o ang tunay mong anak!?! MAMILI KA MITSUKI!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!"
Pare-parehas silang natigilang tatlo.
"ANO?? HINDI MO BA NAINTINDIHAN!? SINONG ILILIGTAS MO NGAYON?? ANG CROWN PRINCE NA HINAYAAN MONG MABUHAY AT ITINURING MONG ANAK??" Itinuro ni Hattori si Aelius gamit ang kusarigama.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Fiksi RemajaSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...