Chapter 5

527 37 5
                                    

Rain POV

Sinimulan kong kalagan si boy selan. Inuna ko ang mga paa niya. Gumamit pa ako ng patalim para maalis lamang ang lubid na nakagapos sa kanya. Sobrang higpit ng ginawa nilang pagkakatali dito. Mukhang hindi basta-basta ang mga taong kumidnap sa kanya. Pumunta ako sa likuran niya para naman makalagan ang mga kamay niya. At napangiwi ako ng makita na may marka na ng dugo ang lubid. Pinilit siguro niyang makawala pero katulad sa mga paa nya sobrang higpit din nun.

'Tss!'

Natanggal ko na ang mga tali niya sa kamay at paa ngunit nanatili siyang nakaupo. Pumunta ako sa harapan niya. Nakita kong may sugat siya sa gilid ng labi niya. May marka pa ng dugong umagos sa may baba niya. Gulo din ang buhok niya.

'Sinabunutan siguro ang isang 'to..'

Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat ng makita nya ang paligid. Nakabulagta na lahat ng mga lalakeng kumidnap sa kanya. Mga sampu din silang nakalaban ko. Madami man sila pero hindi naman ako nahirapang patumbahin silang lahat. 

'Bakit kaya kinidnap ito? Dahil siguro sa pera..'

"Ikaw lang ang gumawa nyan..?" Hindi makapaniwalang tanong nito at tumingin siya sa akin.

Tumango lang naman ako bilang pag-sagot.

"P-paano mong—"

"Kaya mo bang tumayo?" Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa.

Mukhang napansin na naman nyang hindi na siya nakatali. Tumango siya at dahan-dahang tumayo.

"Tara! Umalis na tayo dito bago pa magising ang mga yan,"

Tinalikuran ko na siya at naunang maglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya ngunit nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang balikat ko.

"Sandali! Asan ang kapatid ko??" Bumalik ang pag-aalala sa mukha niya.

"Kapatid? Sinong kapatid?" Takang-tanong ko sa kanya. Bakit naman hinahanap nito sa akin ang kapatid niya?

"S-sinabi nila sa akin kanina na may kumidnap sa kapatid ko kaya hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanila..!"

'Ahhh.. kaya pala naisama nila ang isang to..'

Ngayon naintindihan ko na kung bakit nakita kong sumakay siya sa van kanina.

"Wala naman akong nakitang ibang tao dito bukod sayo at dyan sa mga lalakeng yan."

Bigla tuloy siyang natuliro. Tumingin siya sa buong paligid pero wala naman siyang nakitang ibang tao dun. Kinapkap niya ang kanyang bulsa at kinuha ang kanyang cellphone pero napamura ito. Ibinalik niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tumingin sa akin.

"M-May cellphone ka ba dyan?" Nautal pa siya siguro dahil sa matinding kaba.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at iniabot sa kanya. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. Kinuha nya ang aking cellphone. Mabilis siyang nag-dial dun at aligagang naghihintay na may sumagot sa kanyang tawag.

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Hello! Axel?? Ikaw ba yan?? Ayos ka lang ba?? Asan ka??" Sunod sunod ang tanong nito sa kausap. Nagpakawala ito ng malakas na buntong-hininga. Mukhang narelieved ito.

'Axel..?'

"Good! May dinaanan lang ako. Oo, uuwi na din ako! Sige," At nakangiti niyang ibinaba ang cellphone. Pumikit pa ito.

"Thank You po.." Bulong nito at huminga siya ng malalim.

Nanatili siyang nakangiti sa akin ng iabot nya sa akin ang cellphone. Nakakapanibago dahil hindi ako sanay sa nakangiti nyang mukha.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon