A/N: Sa grand entrance ni Rain yang multimedia sa taas. Hehe. Enjoy~
~~~~~~~~~~~~
Normal POV
Mabilis na dumaan ang araw at sa bawat araw na iyon ay todong paghahanda ang ginawa nila Aelius at Amity sa birthday party ni Rain. Naging katulong din naman nila sila Larkin at Sav. Wala namang kaide-ideya si Rain sa ginagawa ng mga ito.
Ang theme nila ay magical garden. Sa may garden lang kasi ng bahay nila Aelius gaganapin ang birthday party. Malaki naman kasi ang garden ng mga ito at makakapagoccupy ito ng madaming bisita.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Rain. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang alam sa mga nangyayari. Pero nagtaka siya ng hilahin siya nila Amity at Sav sa naging kwarto niya sa bahay nila Aelius.
Lalo siyang nagtaka ng makakita ng isang gown na nakadisplay sa gitna ng kwarto. Napansin din niyang may ibang mga tao ang naroroon.
"Anong meron?" takang-tanong niya.
"Beshie, meron kasi tayong aattendan na party!" sagot naman ni Amity. Parehas na nakangiti silang dalawa ni Sav kay Rain.
"Party? Anong party tsaka san?" tanong ulit niya.
"You'll know later, Rain!" hinila na siya ni Sav at pinaupo sa harap ng dresser.
"Teka, anong gagawin nyo sa akin?" tiningnan niya ang dalawa.
"Aayusan," they answered in unison.
"Teka! Teka! Hindi ko naman alam yung party na sinasabi nyo, may alam ba dito si Aelius?"
"Oo naman! Kaya magtiwala ka lang samen okay, beshie? Go with the flow na lang," hinawakan ni Amity sa magkabilang balikat si Rain at iniharap sa salamin ng dresser.
Wala talagang ideya si Rain kaya nag-go with the flow na nga lang siya. Nagpaalam sa kanya ang dalawa at pinagbantaan pa siya na kapag lumabas siya ng kwarto malalagot siya sa mga ito. Ang dami pa nilang paalala kaya naman umoo na lang si Rain para matigil na sila. Bago pa nga lumabas ng pinto si Amity ay nag I can see you pa ito.
Ilang oras din ang inabot sa pag-aayos kay Rain.
"Hindi nyo ba talaga sasabihin sa akin kung para san ito?" tamad na tamad na tanong ni Rain sa mga babaeng nag-aayos ng gown niya.
Wala namang sumagot sa kanya. Kahit ang tagal na nilang magkakasama dun ay hindi man lang nagawang magsalita ng mga ito.
Napatingin siya sa may pinto ng may kumatok. Bumukas iyon at pumasok sila Amity at Sav, parehas ng nakagown ang mga ito. Color blue ang gown ni Amity na may floral design. Habang kay Sav naman ay color green V-neck satin gown. Parehas silang magaganda sa suot nila.
"Wowwww!" manghang-mangha sila Amity at Sav ng makita ang ayos ni Rain.
"You're so gorgeous, Rain!" wika ni Sav. Lumapit na silang dalawa kay Rain.
"Sobrang ganda naman ng beshie ko! Bagay na bagay sayo ang gayak mo," ngiting-ngiting wika ni Amity.
"Nakita mo na ba ang sarili mo?" tanong pa niya. Umiling naman si Rain dahil kanina pa siya dung nakatayo at inaayos ng mga babae ang gown niya.
Pumalakpak naman si Amity at sinenyasan na lagyan sila ng full body size mirror sa harapan nila. Kumilos naman agad ang mga taong naroroon at sumunod kay Amity.
Nakatitig lang si Rain sa repleksyon niya sa salamin. Hindi siya makapaniwala sa naging itsura niya. Ilang beses na siyang inayusan pero hanggang ngayon di pa din siya makapaniwala na pwedeng maging ganito ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...