A/N: Sa mga gigil dyan, peace yow! ( v ̄▽ ̄)
~~~~~~~~~~~
Rain POV
Inihinto ko ang motor ng makitang nasa tapat ng bahay ko ang sasakyan ni Aelius. Lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ko inaasahan na andito siya.
Tutuloy ba ako? Magpapakita ba ako sa kanya? Handa na ba ako?
With a resigned sigh, I drove Shiver and parked it behind his car. Ayoko ng magpakaduwag ulit at takasan siya. Kailangan ko siyang harapin.
Saktong pagbaba ko ay nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at siya ang tumatawag. Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko.
Araw Ko is calling..
I took a deep breath before answering his call.
"Rain.."
I gritted my teeth as I heard his voice. Not because I'm angry with him.. but because I can hear the pain in his voice.
"Where are you? Can I talk to you..? Please.."
Nakakapagtaka.. kahit sobra akong nasaktan kahapon sa nakita ko, hindi ko nakita ang sarili ko na umiyak. Gusto kong umiyak kahapon pero kahit isang luha walang lumalabas. Pero ngayong naririnig ko ang boses niya.. naramdaman ko na ang pagluluha ng aking mga mata pero pilit ko yung pinipigilan.
"Please Ulan ko.. please let me explain.." Nabasag ang boses niya.
Hindi naman ako makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko at pilit ko pa ding pinipigilan ang mga luha ko. Nakatingin lang ako kay Shiver.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan niya. Hindi ko siya tinitingnan kahit na alam kong nasa gilid ko na siya.
"Rain.."
Dahan-dahan kong binaba ang cellphone. Nanatili pa din ako sa pwesto ko. Hindi ko siya kayang tingnan.
"I'm sorry.."
Isa-isa nang kumawala ang aking mga luha sa aking mga mata. Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone ko na para bang kumukuha ako dun ng lakas.
"Hindi ko gustong masaktan ka.. yung nakita mo kahapon, walang ibig sabihin yun! Wala kaming ginagawa ni Sav.." narinig ko siyang humikbi. Umiiyak din ba siya?
"Andun si Sav para lang magpaturo sa akin, tsaka andun talaga sya sa study room.. nung makita mo siya, nun lang sya pumasok sa kwarto ko.. nakita mo akong nakahubad kasi.. kasi katatapos ko lang nung magshower.." para syang batang umiiyak habang nageexplain sa akin.
"Alam kong napakapetty ng reason ko pero yun ang totoo! Hinding hindi ko magagawang lokohin ka, Rain! Kahit kelan hindi yun pumasok sa isipan ko! Sobrang mahal na mahal kita para gawin ko yun.."
Lalo akong naiiyak dahil sa pag-iyak niya. Ramdam na ramdam kong nasasaktan din siya.
"Please.. Rain.. paniwalaan mo ako.. please.."
Tiningnan ko na si Aelius at mas lalo akong nasaktan ng makita siya. There were so much tears in his eyes. He is sobbing. Sobrang painful niyang tingnan. He's likely to break down.
Umiling-iling siya.
"Hinding hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin kaya hinding hindi ako gagawa ng bagay na alam kong masasaktan ka.. na alam kong mawawala ang tiwala mo sa ken.. hinding hindi ako gagawa ng bagay kung saan iiwan mo ako.. No.. Never.. Never, Rain.. dahil mamamatay ako kapag nawala ka saken.. kapag iniwan mo ako.."
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...