Chapter 4

529 35 1
                                    

Rain POV

"Girls, andyan na si Rain!"

"Kyaaaaa! Ang cute cute niya talaga!"

"Hindi lang cute no? Pogi pogi niya!"

"Mukhang ambango pa niya no?"

"Ano kayang itsura nya kapag nakauniform na siya?"

"Syempre gwapo pa din no? Paniguradong bagay sa kanya ang boy's uniform!"

"Can't wait to see him in our school uniform!"

"Pero mas gusto ko atang nakacivilian siya! Yung simpleng shirt and pants lang! Grabe! Ang yummy niya!"

"Dadaan na siya girlss!!"

"Hi Rain!!"

Sabay sabay na bati ng mga kababaihan ng dumaan ako sa harapan nila. Tinanguan ko lang sila.

"Kyaaaa! Nageye contact kami girl! Ang ganda ng mata niya!!"

"Anong ikaw?? Ako no!"

"Omg! Ambango nyaaa~ Naamoy nyo girls???"

Hindi ko na sila pinansin pa. Dumiretso na ako sa locker ko.

"Grabe ha? 3rd day mo pa lang dito sa SAU, may fans club ka na!"

Napatingin ako sa left side ko at si Velasquez ang nagsalita.

"Fans club?"

"Sikat ka na dito sa SAU ano ka ba? Daming nagkacrush sayo! Pero sorry sila, sa akin ka na e!" Kinindatan nya ako. Di ko naman pinansin ang sinabi niya.

Lumapit pa siya saken at nag-aabang na buksan ko ang aking locker. Di ko naman sya pinalayo. Pagbukas ko ay nagulat kaming dalawa. Sumigaw pa si Velasquez. Muntik na siyang matuklaw ng cobra mula sa locker ko buti na lang at mabilis kong nahawakan ang bandang ulunan nito. Napaupo pa siya dahil sa takot dahil sa napakadaming ahas ang nagsilabasan sa loob ng locker ko. Napasigaw na din ang ibang babae na naroroon at nagtakbuhan ang ibang mga lalake.

"Walang gagalaw kahit isa sa inyo!" Sigaw ko.

Mabilis kong binuksan ang bagpack ko at inilagay dun ang cobra.

"R-rain..!" Impit na sigaw ni Velasquez. Nakita ko na pinapalibutan na siya ng mga ahas. Buti na lang yung cobra lang na nahuli ko ang delikado.

Agad kong napansin ang isang lalakeng may dalang duffle bag.

"Oy, akina ang bag mo!" Di naman agad gumalaw yung lalake. Nakatingin lang siya saken.

"Ano? Bilis!" Sigaw ko sa kanya.

Dahil mukhang takot din sa ahas ay inihagis na lang niya sa akin ang bag nya. Pagkasalo ko ay agad kong binuksan iyon at tinanggal ang laman. At saka walang takot na kinuha ko isa isa ang mga nagkalat na ahas.

"Uwaaaa!" Palahaw ni Velasquez ng mailagay ko ang huling ahas sa bag. Napatingin ako sa kanya at agad ko siyang nilapitan. Umiiyak siya.

"Bakit?? Natuklaw ka ba??"

Suminghot-singhot siya.

"Akala ko mamamatay na ako!" At muli na naman syang umiyak.

'Tss! Kala koy napano na.'

Tumingin ako sa paligid.

"May nasaktan ba sa inyo?"

Umiling naman sila. Hindi pa din sila makapaniwala na nagkaron ng napakadaming ahas sa lugar na yun. Tumingin ako sa lalakeng pinaghiraman ko nang bag.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon