Aelius POV
Umatras ako ng tuluyan ko siyang makita. Hindi siya si Rain. Tinalikuran ko siya at muli akong bumalik sa Bar Section. Nagbayad lang ako at nagpasya na akong umalis.
"Blaze!"
Rinig kong tawag niya pero hindi ko siya nilingon.
"Ano ba?? Let go of me!!"
Tumigil ako ng marinig ko iyon kasunod ng pagkabasag ng isang bagay. Nilingon ko siya. Nakita kong may tatlong lalake ang nakapalibot kay Sav. Isa dito ay nakahawak sa braso niya.
Nagpakawala ako ng hangin mula sa bibig ko. Gusto ko ng umalis pero hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya. After all, is apa din siya sa mga kaibigan ko.
"I said let go of me, you cunt!"
"Ooohhh.. gusto namin yan palaban!"
Lumapit na ako sa kanila. Hinawakan ko yung braso ng isang lalake na hahawakan pa sana si Sav. Sabay-sabay silang tumingin sa akin.
Marahas nitong binawi ang braso nito.
"Anong problema mo??"
Tiningnan ko silang lahat. Lumapit ako kay Sav at hinawakan ang braso niya. Hinila ko siya palayo dun. Pero hindi naman siya binibitawan ng lalakeng nakahawak na sa kanya kanina pa.
"Bitaw," utos ko dun sa lalake.
"Tanga ka ba? Bakit naman ako bibitaw? Girlfriend ko yan gago!" wika nito sa akin.
"Hindi mo ako girlfriend!! I don't even know you!" asik ni Sav sa mga ito.
"Kaibigan ko itong babaeng ito kaya kung ayaw nyong masira ang gabi nyo, bitawan mo siya!"
Nang marinig nito ang sinabi ko ay agad nitong binitawan si Sav. Hinila ko na siya palabas ng bar.
Binitawan ko siya agad ng makalabas kami.
"Umuwi ka na!" wika ko at tinalikuran na siya.
"Wait Blaze!" hinawakan niya ako sa braso. Tiningnan ko yun at agad naman niya akong binitawan.
"May kailangan ka pa ba?" walang-emosyong tanong ko sa kanya.
"Thank you sa pagliligtas mo sa akin," ngumiti siya sa akin.
Inalis ko ang paningin sa kanya. Hindi ko makayang tingnan ang itsura niya. Naiinis ako! Anong gusto nyang palabasin sa itsura niya??
"Yun lang ba? Sige, una na ako." Muli ko siyang tinalikuran pero bigla niya akong niyakap mula sa likuran.
Agad kong inalis ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.
"Ano bang ginagawa mo??" inis na tanong ko sa kanya.
"Blaze! I'm here.. I'm here for you.. kaya kong gawin ang lahat para sayo! Kaya kong maging si Rain!"
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi makapaniwala. Anong kaya nyang maging si Rain??
"Nababaliw ka na Sav! Lasing ka na ata e!"
Matindi ang naging pag-iling niya.
"I'm not drunk! Seryoso ako! Can't you notice my look?? Kaya kong gayahin si Rain para sayo!"
Natawa ako sa sinabi niya.
"Sa tingin mo talaga ng dahil dyan magiging ikaw na si Rain?? Nababaliw ka na talaga, Sav! Hindi mo na alam ang sinasabi mo!"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...