Rain POV
"Ulan, pwede ko bang malaman kung paano mong nalaman na ako pala yung taong hinahanap mo?"
Tumingin ako kay Aelius ng magtanong sya nun. Kasalukuyan kaming andito sa may kwarto nya. Nanunuod ako ng Netflix, siya naman katatapos niya lang maligo. Lumapit siya sa akin. Hindi ko nagawang alisin ang paningin ko sa kanya.
Nakablack sando at boxers lang naman siya pero sobrang lakas pa din talaga ng datingan nya. Kitang kita ko ang toned nyang mga braso. Halata din ang matigas nitong dibdib sa suot na sando. Maging ang buong lower part ng body nya, hindi din nagpapaiwan. Ngayon ko lang narealize na sobrang manly pala ng Araw ko. Agad kong inalis ang paningin sa lower part nya dahil naalala ko yung brad na sinasabi niya.
"Enjoying the view huh?"
Tumingin ako sa mukha niya at ang laki ng ngiti ng loko. Inalis ko ulit ang paningin sa kanya. Nararamdaman ko kasi ang pag-iinit ng pisngi ko. Ayokong makita nya akong namumula. Nanuod na lang ulit ako. Pero hindi ko na nagawang magfocus sa pinapanuod ko.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Parehas na tuloy kaming nakaupo dito sa may cleopatra chair na nasa paanan ng kanyang kama. Lalong kong naamoy ang mabangong amoy ng shampoo at sabon na ginamit niya.
"Love~"
Napapitlag ako ng bumulong sya sa tenga ko. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Tumawa siya sa ginawa ko. Tumingin ako sa kanya.
'Bakit siya ganitong kagwapo..? Shet.. parang lalabas ang puso ko..'
Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Ang sarap nyang pagmasdan. Hindi ko talaga alam kung anong ginawa kong maganda sa buhay para pagpalain ako ng ganitong kagwapong boyfriend.
'Hindi lang gwapo.. sobrang..'
Tiningnan ko ulit ang kabuuan niya.
'..sexy pa niya..'
Napalunok ako. Mabilis kong inalis ang paningin sa kanya ng tumigil siya sa pagtawa.
"Dito ka nga love,"
Naulit na naman ang paglunok ko. Bakit ang sexy din ng boses nya..?
"Ulan~ dito ka na pleasee~" Tinap-tap pa niya ang pwestong pinag-upuan ko kanina.
Pinagbigyan ko naman siya. Pero ng malapit na ako sa kanya, hinawakan niya ang braso ko at hinila upang mapaupo sa may hita niya. Nagkandagulo-gulo na naman ang puso at mga lamang-loob ko. Niyakap niya ako sa may bewang at inamoy niya ang leeg ko. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan.
"Rain~" Muli na naman niyang bulong. Pero this time, mas sexy sa pandinig ko yun dahil sa paraan ng pagbanggit nya sa pangalan ko.
Dahil pakiramdam ko aatakihin na ako sa ginagawa niya, mabilis kong hinawakan ang mukha niya gamit ang isang kamay. Pinisil ko ang mga pisngi niya.
"T-tumigil ka nga..!" saway ko sa kanya pero wala namang halong inis yung boses ko. Nautal pa nga ako e.
Nakatingin lang sya sa akin at kahit pinipisil ko ang mga pisngi niya ay di pa din niya mapigilang mapangiti. Nangunot ang aking noo.
"Kapag hindi ka tumigil dyan, lalabas na ako ng kwarto mo!"
Inilayo niya ang mukha sa akin kaya nabitawan ko siya pero nakangiti pa din siya ng tumingin sa akin.
"Hindi na.. magbebehave na ako ulan,"
"Tss!" inirapan ko siya.
Hindi naman ako umalis sa kandungan niya. Nanatiling nakapulupot ang mga braso niya sa may bewang ko.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...