Aelius POV
Hindi pumasok si bubwit sa klase namin after ng breaktime. Sinabi naman ni Amity na pinatawag ni Den Buenaflor ito kaya hindi nakaattend ng klase niya. Nagtaka naman ako kung bakit pinatawag ni Dean si bubwit.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase before lunch nang dumating si bubwit. Hindi naman siya pinagalitan ni teacher. Agad siyang pasimpleng tinanong ni Amity pagkaupo niya sa tabi nito. Hindi naman siya nito sinagot. Sumimangot pa si Amity pero dahil hindi siya pinapansin ni bubwit ay bigla na lang pinisil nito ang pisngi ni bubwit.
Nag-isang linya ang kilay ko.
"Napakalandi talaga nyang si Amity.."
Natigilan ako kasi yun din mismo ang nasa isip ko. Lumingon ako kay Larkin dahil siya ang nagsabi nun. Nakakunot din ang noo niya habang nakatingin sa dalawa. Muli na ulit siyang tumingin sa teacher. Nakasimangot.
Hindi ko na pinansin si Larkin. Sinulyapan ko ulit yung dalawa, nakikinig na ito sa teacher kaya tumingin na lang din ako sa unahan.
Lunchtime.
As usual, nagkagulo na naman ang paligid habang papunta kami ni Larkin sa canteen. Parang artistang kumaway naman ng kumaway ang bestfriend ko. Tumingin ako sa suot kong relo. Hindi ko alam kung anong oras iaannounce nila Fuentes ang tungkol sa gagawin ng buong Grade 12 sa Acquaintance.
'Sana magannounce na sila ngayon..'
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa play na yun.
"Kyaaaa~ did you see that? Fontanilla just smiled!!"
"Sobrang gwapo niya kahit seryoso o nakasimangot siya pero mas sobrang gwapo siya kapag nakangiti!!"
"Omg girlssss~ sana ako na lang ang dahilan kung bakit siya nagssmile!"
"Gaga, in your dreams!"
Hindi ko pinansin ang usapan na yun dahil masyado akong good mood sa oras na ito. Pumasok kami sa canteen at ganun na naman ang eksena. Heartthrob talaga kaming dalawa ni Larkin.
"Hoy Blaze!"
Tumingin ako kay Larkin.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Papalapit kami sa counter.
"Wala," Ngumisi ako.
"Tss! Asang chicks yang nginingiti mo dyan," Pang-aasar niya sa akin.
"Ewan ko sayo." at umuna ako sa kanya.
Naglalunch na kami ni Larkin ng mag-ring ang cellphone niya.
"Hello Samantha~~" Malanding sagot ni Larkin sa tumawag.
Napatingin naman ako sa kanya. Naghihintay kung anong sasabihin ni Fuentes kay Larkin.
"Ngayon na? Dyan sa bulletin board? Bakit?" Sunod-sunod ang naging tanong niya. Napangiti naman ako. Mukhang ito na yung hinihintay ko kanina pa.
"Isasama ko siya? Sigurado ka?" Tumingin sa akin si Larkin.
"Pumunta daw tayo sa may bulletin board andun na daw ang announcement ng G-12 Committee para sa gagawin natin sa Acquaintance," aniya.
"Okay." Nagkibit-balikat pa ako.
Tinitigan naman ako ni Larkin. Hindi siya makapaniwala na napapayag niya ako ng ganung kabilis.
"Sure ka?"
Tumango na lang ako at saka itinuloy ang pagkain.
"Okay sige! Pupunta kami! Bye Samantha~~ Mwuahhh!"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...