Chapter 53

247 22 1
                                    

Rain POV

Mas lalong naging busy ang buhay estudyante ko dahil sa papadating na Intramurals. Tuloy pa din naman ang klase kaso pagkatapos naman kelangang magpraktis. Tapos sineswerte ata ang G12 dahil ang mga sports na pwede kong salihan ay hindi sabay-sabay na gaganapin. Kaya naman lalo nila akong pinilit na magpraktis.

Ano bang mga sports ang sasalihan ko? Una Basketball, tapos Volleyball, tsaka Baseball puro may ball tapos.. teka yun lang pala dahil yung ibang sports kaya naman na daw nila basta be ready na lang daw ako once kailanganin nila ako.

Kaya naman araw araw akong may praktis. Hayyyy.. ito ang pinakaayaw ko.. yung mapapagod ako..

Inilapat ko ang aking noo sa aking desk, parang inaantok kasi ako e.

"Rain, ayos ka lang ba?"

Inilapat ko ang aking pisngi sa desk at nakatingin kay Amity. Tiningnan ko siyang walang kagana-gana.

Tinatanong talaga niya ako? Hindi ba niya alam na kasalanan niyang lahat ito?

"Sa palagay mo?" Walang emosyong tanong-sagot ko naman sa kanya.

Alanganin naman siyang ngumiti.

"Don't be mad at me na beshie! Alam mo bang may extra points kapag nagawa mong ipanalo lahat ng sinalihan mong sports? Pwede ka pang maging MVP and sobrang laking points ang pwedeng madagdag sayo," pinaexcite pa niya ang boses niya.

Muli kong nilapat ang noo sa desk ko.

"Wala akong pake sa points points na yan, ang gusto ko matapos na ang lahat ng ito.." Tamad na tamad kong wika.

Dagdag trabaho kasi ito para sa akin tapos hindi ko pa matuloy-tuoy ang paghahanap sa taong yun para talagang matapos na ang lahat. Bakit kasi hirap hirap hanapin ng taong yun?

'Tss!'

May kumulbit sa kaliwa kong braso kaya tamad akong tiningnan kung sino yun. Nakalapat pa din ang pisngi ko sa desk at nakita ko ang mukha ni Aelius, nakaupo ito sa gilid ng desk ko tapos kapantay ng mukha niya yung desk ko.

"Gusto mo bang tumabi na lang sa akin?" Nakangiti siya sa akin pero kita ko naman sa mga mata niya yung pag-aalala.

"Katabi mo si Larkin di ba?"

"E di magpapalit kayo! Tara!Wag ka mag-alala kapag nasa tabi kita makakapagpahinga ka," Tumaas-taas pa yung kilay niya tapos labas na naman ang mga ngipin niya habang nakangiti sa akin.

Dahil nakakahawa yung ngiti niya, napangiti na din ako. Tumunghay na ako tapos tumayo. Kinuha ko yung mga gamit ko.

"San ka pupunta beshie??"

Tiningnan ko siya.

"Malayo sayo." Hindi naman ako galit sa kanya, gusto ko lang siyang asarin.

Kinabahan naman siya sa sinabi ko.

"Ha??"

Hindi ko na hinintay na magsalita siya, pumunta na kami dun sa likuran ni Aelius.

"Hoy Larkin, umalis ka dyan! Dyan na uupo si Rain," utos ni Aelius sa kaibigan niya.

Nagtataka naman itong tumingin sa amin.

"Ha? E san mo naman ako papaupuin??"

Sabay naming tinuro ang upuan ko sa tabi ni Amity.

"Dun sa tabi ni Amity," wika pa ni Aelius.

Nanlaki naman ang mga mata ni Larkin.

"Ayoko nga! Ayokong katabi ang amazona na yan!"

"Hoy! As if gusto din kitang makatabi!" sigaw pabalik ni Amity.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon