Aelius POV
Breaktime.
Dumiretso kami ni Ulan sa Admin Office para nga gawin yung Mission: Archdeacon namin. Though wala naman akong maramdamang kakaiba sa kanilang dalawa. Gusto ko lang talaga mag-ingat kaya pumayag ako sa bagay na ito. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga mapigilang matawa kapag naiisip ko yung itsura ni Sebastian Archdeacon. Para nga kasing boy version ito ng Ulan ko. Naaalala ko yung itsura ni Rain nung una ko siyang nakita.
"Anong nginingiti mo dyan, Araw?"
Lalo ko lang syang nginitian ng magtanong sya. Ayoko ngang sabihin baka sikmuraan ako e. Hindi naman na siya nangulit.
Andito na kami sa room kung asan mga confidential files ng bawat estudyante. Technically, bawal kami dito. Tanging head lang ng admin ang pwede dito tsaka ilan sa staffs niya. Kaso wala naman silang magagawa e. Di naman ako bastang estudyante lang dito.
"If ever po Sir, na may kailangan po kayo, asa office ko lang po ako!" wika ng Admin Head.
Tumango lang ako sa kanya at tuluyan na nya kaming iniwan.
"Let start!" wika ko. Tumango lang sa akin si Rain at nagsimula na siyang maghanap sa mga filing cabinets.
Nagsimula din naman ako. Magkalayo kaming dalawa sa isa't isa.
Hindi naman ako nahirapan maghanap dahil tamang filing cabinet ang nabuksan ko. Nakita ko agad ang file ng dalawang Archdeacon. Isasara ko na sana ang cabinet ng mahagip ng mga mata ko ang Sanchez, R.
Pinagkatitigan ko iyon. Alam kong file yun ni Rain.
May nagtutulak sa akin na kunin ko iyon pero meron ding nagsasabi sa akin na huwag. Dahil nga gusto kong mismong si Rain ang magsabi sa akin ng tungkol sa kanya.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Mas kinakain na ako ngayon ng kuryosidad tungkol kay Rain. Nawala sa isip ko ang Archdeacon.
Nilingon ko siya at busy pa din siya sa ginagawa niyang paghahanap. Muli kong binalik ang paningin sa file niya.
'Pero hindi naman siguro masama di ba? Sisilipin ko lang naman..'
Nagpasya akong kunin ang files niya. Para naman akong sira na kinakabahan sa ginagawa ko. Tiningnan ko pa ilang saglit yung folder. Huminga ako ng malalim at saka ko iyon binuksan.
Unang nakita ko ay ang picture niya. As usual, pokerface. Hindi ko tuloy mapigilan na di mapangiti. At saka ko tiningnan ang informations niya.
Student Number: 09211620
Name: Rain Sanchez
Home Address: Trinity Heights Subdivision
Date of Birth: 09/21/2001
Place of Birth: Kindred Souls Orphanage, Batanes
Name of Father: Deceased
Name of Mother: Deceased
List down brothers and sisters of the applicant starting with the eldest: N/A
If student is not staying with parents, fill out the following:
Guardian's Name: N/A I am living alone.
May mga iba pang informations na andun pero ayan ang mga tumatak sa akin. Wala na pala syang magulang at wala din siyang kapatid. Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya.
'Kindred Souls Orphanage..'
Ibig sabihin dun siya lumaki. Sa isang orphanage. And originally, she came from Batanes. Ang layo dito. Pero bakit kaya dito na siya nakatira?
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...